• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 49M OFFICIAL BALLOT, NA-IMPRENTA NA

MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.

 

 

Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR),

 

 

“Out of the 13 regions, including Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and Cordillera Administrative Region (CAR), we already printed 73.7 percent. Almost all are already 100 percent printed except for National Capital Region (NCR),” ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, head ng  poll body’s printing committee, sa  press briefing.

 

 

Samantala, sinabi ni Casquejo na nakapag-imprenta sila ng 4,755,360 mula sa kabuuang 7,289,791 na balota para sa Central Luzon.

 

 

Nakatakdang mag-print ang poll body ng kabuuang 7,322,361 na balota para sa NCR.

 

 

Iniulat din nito na ang manual ballots para sa local absentee voting  (LAV) na kabuuang  60,000 ay nakumpleto na rin.

 

 

Ang manual ballots para sa Office of Overseas Voting (OFOV) na may bilang na 79,800 at ang karagdagang 145 OFOV manual ballots para sa Philippine Embassy sa Rabat sa Morocco ay tapos na.

 

 

Samantala, kabuuang 86,280 balota para sa  63 barangays sa North Cotabato na bahagi ng  BARMM ang tapos na ring ma-imprenta.

 

 

Enero nang simulan ng Comelec ang opisyal na balota. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging

    MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon  na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.   Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” , […]

  • Nagkakamabutihan na ba ang mga Kapuso stars?: BUBOY, nagba-blush at natataranta ‘pag natatanong si FAITH

    NAGKAKAMABUTIHAN na ba sina Buboy Villar at Faith da Silva?     Ito ang tanong na nagpa-blush kay Buboy at parang nataranta siyang naghanap ng isasagot tungkol sa kanilang ni Faith.     Ayon kay Buboy, naging close daw sila ni Faith dahil sa pagsama nila sa musical-comedy segment ng All-Out Sundays. Minsan daw niyang […]

  • Panukalang maging legal ang marijuana bilang gamot o medical use inaasahang maipasa na

    UMAASA ang isang mambabatas na maipapasa ng Kamara bago magtapos ang ikatlo at huling sesyon ng Kamara ang panukalang pagsasa-legal sa paggamit ng marijuana bilang gamot o for medical use. Pahayag ito ni Camsur Rep. LRay Villafuerte sa muling pagbubukas ng sesyon nitong Lunes. Naipasa ng Kamara bago matapos ang taong 2024 ang House Bill […]