• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 5,000 dagdag na COVID case sa PH, halos 100 bagong nasawi – DOH

Mula sa 6,216 kahapon, bahagyang bumaba sa 5,479 na ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

 

 

Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,548,755 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

 

 

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 5,573 na bagong recoveries kung saan nasa 1,467,269 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

 

 

Nasa 27,224 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 93.

 

 

Kasabay ng unang Linggo ng Hulyo, kabuuang 52,708 ang aktibong kaso ng COVID sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Mystery, Dread Surround ‘Don’t Worry Darling’ Official Trailer

    WARNER Bros. Pictures and New Line Cinema have revealed the official trailer of the mystery thriller ‘Don’t Worry Darling‘ directed by Olivia Wilde and starring Florence Pugh, Harry Styles, Olivia Wilde, Gemma Chan, KiKi Layne, and Chris Pine.     Check out the trailer below and watch “Don’t Worry Darling” in Philippine cinemas September 2022. […]

  • Joe Calvin Devance Jr. nag-aaral mag-Filipino

    HINDI diehard fan ang aking ama ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).   Sa kuwento niya sa akin kamakailan, noong huling bahagi ng dekada 80, mag-isa lang siyang maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan niya nang maliit pa siya sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa professional […]

  • Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide

    Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020.   Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo.   Iginiit ni […]