• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 582-M doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa Phl

Karagdagang 582,500 na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas ngayong umaga.

 

 

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 1 ang mga bakunang ito pasado alas-9:25 ng umaga lulan ng isang China Airlines flight.

 

Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government.

 

 

Noong nakaraang linggo lang, 575,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 jabs na binili ng private sector ang dumating din sa Pilipinas.

 

 

Sa kabuuan, aabot na sa mahigit 46 million COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng bansa magmula noong Pebrero.

 

 

Mahigit 12.8 million inidbidwal naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19 hanggang noong Agosto 18, at halos 30 million doses naman ang naituturok na.

 

 

Ngayong araw, inaasahan din ng bansa ang pagdating ng 749,200 pang Sinopharm COVID-19 vaccine doses na donasyon naman ng Chinese government. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pinas, pinaigting at dinagdagan ang mas maraming maritime patrols

    PINAIGTING at dinagdagan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols at freedom of navigation missions sa  West Philippine Sea.     Kamakailan lamang kasi ay may nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China.   […]

  • Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

    PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.     Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event. […]

  • OES, iniimbestigahan ang di umano’y sugar hoarding kaugnay ng lumabas na “import order”

    MASUSING iniimbestigahan ngayon ng  Office of the Executive Secretary (OES) ang mapanlinlang na kautusan na mag-angkat ng   300,000 metric tons (MT) ng asukal para pagtakpan ang  “hoarding” na ginawa ng ilang sugar traders.     Sa ulat, sinabi ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na tinitingnan ng kanyang tanggapan  ang reports hinggil sa  unlawful importation […]