• May 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OES, iniimbestigahan ang di umano’y sugar hoarding kaugnay ng lumabas na “import order”

MASUSING iniimbestigahan ngayon ng  Office of the Executive Secretary (OES) ang mapanlinlang na kautusan na mag-angkat ng   300,000 metric tons (MT) ng asukal para pagtakpan ang  “hoarding” na ginawa ng ilang sugar traders.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na tinitingnan ng kanyang tanggapan  ang reports hinggil sa  unlawful importation order na  “being pushed aggressively” ng ilang mangangalakal o negosyante na nais na ipalabas ang asukal na kanilang itinago matapos mag-hoard.

 

 

Sinabi pa niya na hindi mailabas ng hindi pinangalanang mga sugar traders ang itinago nitong asukal dahil  “this would depress prices.”

 

 

Matatandaang, makikita sa  official website ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na naka-upload ang  nilagdaang kopya ng Sugar Order (SO) 4 na may petsang Agosto 9.

 

 

Sinabi ni Rodriguez na ipinag-utos na niya sa   SRA na alisin ang   posting ng SO 4 dahil hindi naman ito inaprubahan at nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinuno ng  Department of Agriculture (DA) at chairperson ng SRA Board.

 

 

Pinabulaanan din ni Rodriguez na binigyan si DA Undersecretary Leocadio Sebastian ng awtorisasyon na lumagda ng kontrata kabilang na ang  sugar orders, “on behalf of the President.”

 

 

“No, we even sent him a list of his ‘authorities’ that didn’t include signing for the President as his representative in the SRA,” ang pahayag ni Rodriguez.

 

 

Tinuran pa rin nito na walang advisory na ipinadala sa kanya o kay Pangulong Marcos ukol sa Sugar Regulatory Board’s meeting para sa sa approval ng SO 4.

 

 

“We found out about it only when my staff reported that the SRA posted the order on its website,” aniya pa rin sabay sabing  “I thought that this was clear for Sebastian when he officially asked the President through my office for ‘guidance’ on an issue that was less important than the importation of 300,000 MT of sugar.”

 

 

Tinukoy ni Rodriguez ang July 29 memorandum ni Sebastian na humihingi kay Pangulong Marcos ng  “guidance” hinggil sa  reclassification ng imported sugar mula  “C” o Reserve Sugar at gawing “B” o Domestic Sugar.

 

 

Sa ilalim ng memorandum, sinabi ni Sebastian na ang total volume ng asukal para reclassification ay may kabuuang  62,826.60 MT ng asukal.

 

 

Bahagi ito ng  200,000 MT importation na awtorisado ng SO 3.

 

 

“His request was made July 29, and we haven’t acted on it, so the SRA hasn’t released those sugar stocks,” ayon kay Rodriguez.

 

 

Pinanindigan naman ni Rodriguez na nag-convene ng meeting si Sebastian kasama ang  SRA board nang walang pahintulot mula kay Pangulong Marcos.

 

 

“As late as August 7, there was no clearance to do what they did. Sebastian knows from several instances in the past that when he asked for clearance for some decision from the President, and if I don’t reply on his request, it means the President hasn’t decided yet,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP

    Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes.     “Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil […]

  • Mikey Garcia inaayos na ang laban kay Pacquiao

    Ibinahagi ni American boxer Mikey Garcia na inaayos na nila ang laban niya kay Manny Pacquiao.     Sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay malalaman ang ilang detalye ng laban kung saan ito gaganapin.     Target kasi nila na isagawa ang laban hanggang sa buwan ng Mayo.     Dagdag […]

  • US Open champ Emma Raducanu, laglag agad sa first match ng Indian Wells

    Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament.     Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64.     Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British […]