• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 70K lata ng sardinas ipinamahagi sa Valenzuelanos ngayong Pasko

Ipamamahagi sa mga pamilyang Valenzuelano ang higit 70K ng sardinas na ginamit sa Mega Christmas tree ng Mega Global Corporation na kinilalang Tallest Tin Can Structure ng Guinness World Records kamakailan.

 

Ang mga nasabing pamilya ay mapapabilang sa mga benepisyaryo ng corporate social responsibility (CSR) project ng Mega Global Corporation na naglalayong mapakain ang 100,000 pamilya sa buong bansa hangggang sa pagtatapos ng of 2020.

 

Sa ilalim ng nasabing proyekto, ang mga pamilyang pinakamatinding  tinamaan ng COVID-19 pandemic ang bibiyayaan ng Mega Sardines products.

 

Ang mga nasabing ipamamahaging regalo ay manggagaling sa 5.905-metro o higit 19 talampakang “Chrristmas tree” na itinayo sa Mega Global Distribution Center sa Barangay Viente Reales, ng lungsod na gawa sa 70,638 pula at berdeng lata ng Mega Sardines na sinimulang buuin noong  Nobyembre 18 at natapos eksakto para sa National Sardines Day noong Nobyembre 24.

 

Inilunsad din sa nasabing araw  ang “Mega Bigay Sustansya sa Pasko” . Binalak ng Mega Global Corporation na magbigay ng mainit na pagkain sa mga pamilyang apektado ng COVID outbreak ngunit nagbago ang plano para matulungan din ang mga pamilyang tinamaan naman ng magkakasunod na mga bagyo.

 

Kaugnay nito, pinuri ni Mayor Rex Gatchalian ang Mega Global Corporation. “Proud ang Valenzuela City sa Mega Sardines at mas proud kami na maging partner ng Mega Sardines, para makatulong sa ating mga kapwa Valenzuelano,” aniya.

 

Ipagkakaloob ang mga sardines products sa  Pamahalaang Lungsod sa Disyembre 20, 2020. (Richard Mesa)

Other News
  • Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

    Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.     Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]

  • Nag-sign off na bilang sa Mokang sa ‘Batang Quiapo’: LOVI, nagpapasalamat kay COCO at sinabihang magpahinga rin

    NAG-SIGN off na si Lovi Poe bilang Mokang sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’. Umere ang kanyang last episode sa serye noong Huwebes ng gabi.   Matapos umere ang episode ay nag-post si Lovi ng pasasalamat at mensahe kay Coco Martin at sa buong team kalakip ang video ng kanyang mga eksena sa serye.   “I am […]

  • ‘The First Omen’ Reveals Horror’s Beginnings in Cinemas April 5

    Experience the spine-tingling origins of evil with ‘The First Omen.’ Discover the untold story coming to Philippine cinemas on April 5.   Prepare to be transported to the chilling depths of terror as “The First Omen” emerges onto the big screen in Philippine cinemas on April 5. This highly anticipated installment of the famed Omen […]