• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno

NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP).

 

Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng militar dahil sa kanilang impluwensiya sa CPP-NPA.

 

Sinabi ni Esperon kailangang tutukan ng pamahalaan ang mga nasabing barangays lalo na sa pagbibigay ng mga development projects ng sa gayon hindi na muli ito maimpluwensiyahan ng komunistang rebelde.

 

Ibinunyag ni Esperon na ilan sa mga lugar na idiniklarang insurgency free ay nagawan muling maimpluwensiyahan ng CPP-NPA.

 

Kaya target ngayon ng pamahalaan na idevelop sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyekto sa mga nasabing lugar para tuluyan ng mawala ang presensiya at impluwnesiya ng komunistang grupo.

 

Binigyang-diin rin ni Esperson na kanilang ilalabas ang listahan ng mga barangays na recipient ng nasabing programa.

 

Layon nito para alisin ang pangamba na basta basta na lamang pinili ng National Task Force ELCAC ang mga nasabing barangays.

 

Ang mga nasabing barangays ay mula sa Cordillera, region 1, region 2, region 3 hanggang sa region 13.

 

Kabilang sa mga proyekto na ilalaan ng pamahalaan ay ang farm to market roads, school buildings, water irrigation, health station, forest protection.

 

Nilinaw ni Esperon na ang mga LGUs ang siyang magpapatupad ng mga nasabing mga proyekto.

 

Umaasa ang kalihim na maaprubahan na ang hiling nilang pondo. Una ng kinontra ng Makabayan block ang nasabing pondo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Dedma after ma-link sa break-up nina Elijah-Miles at Kathryn-Daniel: ‘Unbothered Queen’, pwedeng itawag sa pinaka-controversial na young actress na si ANDREA

    DAHIL may daily morning show na sa TV5 na ‘Gud Morning Kapatid,’ sinigurado na ni Dimples Romana na ngayong Kapaskuhan, wala siyang plano at nandito lang daw siya sa Manila.      “Walang-wala kaming plans ngayong Holiday dahil bawal akong mag-absent,” sey niya na natatawa.     “So ngayon, ine-enjoy namin ang araw-araw ng wala […]

  • QC gov’t namahagi ng P500 fuel subsidy sa mga tsuper kasunod ng pagtaas ng presyo ng krudo

    NAMAHAGI ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P500 fuel subsidy voucher para sa lahat ng tricycle driver na pumapasada sa siyudad.     Ito ay para alalayan ang mga tsuper na lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng tulong sa halos […]

  • Kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno mapayapa – PNP

    MAPAYAPA sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw.     Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident. […]