• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P.6M droga nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.6 milyong halaga ng droga sa dalawang drug suspects matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Bebe”, 23 ng Brgy. 120 at alyas “Bong”, 53 ng Brgy. 19.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Don Benito St., Brgy., 21, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni ‘Bebe’.

 

 

Matapos tanggapin ang buy bust money na isang P500 bill na may kasamang anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang suspek dakong alas-8:27 ng gabi, kasama si ‘Bong’ na parokyano umano ni ‘Bebe’.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humgi’t kumulang 100.50 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P683.400.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa

    NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.     Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.     Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago […]

  • KAUNA-UNAHANG OSPITAL NG OFW, ITINAYO

    ITINATAYO  na ang kauna-unahang ospital ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magkakaroon ng soft opening nitong Oktubre 1 .     Ayon kay Labor Usec. Renato Ebarle, pinamamadali na ng DOLE ang pagkumpleto upang sa lalong madaling panahon ay mabubuksan na ang OFW Hospital na itinatayo sa San Fernando, Pampanga makaraang madelay dahil sa patuloy […]

  • Ads October 12, 2022