• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P100K droga nasamsam sa 4 drug suspects sa Malabon at Navotas

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jhaz, 40, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak nito ng droga.

 

 

Matapos tanggapin umano ni ‘Jhaz’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer ng droga kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-3:15 ng madaling araw sa Kagitingan St., Brgy. Muzon, kasama sila alyas Pilay, 38, na bumili rin umano sa suspek ng shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, natiklo naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa Lourdes Compund, Brgy. Daanghari bandang alas-12:19 ng hating gabi ang dalawang listed drug pusher na sina alyas Bagul, 34, at alyas Richard, 36, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Sa ulat ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 5.29 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P35,972.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • LTFRB: Unconsolidated jeeps, UV Express puwedeng mag- operate sa may mababang bilang ng consolidated routes

    ISANG resolusyon ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinapayagan ang unconsolidated jeepneys at UV Express na magkaroon ng operasyon sa may 2,500 na ruta na may mababang bilang ng consolidation.         Nakalagay sa LTFRB Board Resolution No. 53 Series of 2024 na ang mga unconsolidated na pampublikong […]

  • 41 close contacts ng ‘Indian variant’ cases, mino-monitor na: DOH

    Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon ng 41 pasahero na “close contacts” ng dalawang Pilipinong nag-positibo sa B.1.617 o “Indian variant” ng COVID-19 virus.     Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroong anim na close contacts ang unang kaso na galing Oman. Habang 35 ang close contacts ng ikalawang kaso […]

  • Task force COVID-19 head Defense Sec. Lorenzana, nagpositibo sa COVID

    Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.     Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo.     Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa […]