Higit P53 bilyong cash loans pinautang ng Pag-IBIG noong 2022
- Published on March 17, 2023
- by @peoplesbalita
UMABOT sa P53 bilyong short-term loans na tinatawag ding cash loans ang ipinautang ng Pag-IBIG Funds noong nakaraang taon.
Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Jack Jacinto, Department Manager for Public Media Affairs ng Pag-IBIG Fund, na kabilang din sa nasabing pautang ang Multi-Purpose Loan at Calamity Loan.
Nasa 2.6 milyong miyembro ang nakinabang sa nasabing cash loans.
Binanggit din ni Jacinto na dumami ang nag-avail ng Multi-Purpose Loan dahil maaari itong aplayan ng mga miyembro online sa pamamagitan ng virtual Pag-IBIG.
Mas pinadali na aniya ngayon ang proseso at accessibility ng programa dahil puwede pa ring mag-file ang mga miyembro “traditionally” sa mga tanggapan ng Pag-IBIG fund pero puwede na ring online.
Samantala, binanggit din ni Jacinto na napag-desisyunan ni Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development na hindi pa rin itaas ang kontribusyon ng mga miyembro ngayong 2023 dahil na rin sa kahilingan ng mga miyembro na bumabangon pa rin sa pandemyang dala ng COVID -19.
Ibinalita rin ni Jacinto na nakapagtala sila ng “record high” na P80 bilyon na nakolekta sa mga miyembro noong 2022. (Daris Jose)
-
Inalis na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund, ibalik
PINABABALIK ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang tinanggal na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund at gamitin ito para sa medical specialty centers law. Ang apela ay ginawa ng mambabatas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na magtatayo ng mga Specialty Centers sa mga piling DOH hospitals. […]
-
KISSES, pumasok sa Top 10 pero hindi na pinalad sa Magic 5 ng ‘Miss Universe Philippines’
HINDI pinalad makapasok sa Magic 5 ng Miss Universe Philippines search si Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin. Hanggang Top 10 ang beauty ng dalaga who represented Masbate. Dapat sana ay kinunsulta muna ni Kisses ang imaginary mirror ng award-winning talk show host na si Boy Abunda at baka may magandang sagot siya […]
-
Gobyerno, nagbago na ng approach para i-maximize ang suplay ng tubig sa Mindanao sa gitna ng La Niña-PBBM
NAGBAGO na ng atake at hakbang ang gobyerno para i-maximize ang suplay ng tubig sa gitna ng La Niña phenomenon na inaasahan na tatama sa maraming bahagi ng Mindanao sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. “Nagbago na talaga ang approach sa flood control, sa irrigation at lahat. Kaya’t ‘yun ang sinusundan namin ngayon,” […]