• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Unang bahagi)

MATAGAL-TAGAL na ring kilala ng TP si Adi delos Reyes.

 

 

Isang mahusay na race organizer sa ilalim ng kumpanya niyang Eventologist Compnay na nakabase sa Metro Manila.

 

 

Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FaceBook messenger kamakailan.

 

 

Pero bago siya naging mahusay na race organizer/director (road, vertical at trail), minsan siyang naging top salesman ng Rubberworld, Adidas at Accel.

 

 

Siya rin ang nasa likod ng sports brand na Champion at nakapagdaos na rin ng vertical runs at 3×3 basketball event.

 

 

Noong Enero 2020, nagbasketbol ang nag-iisang 20-anyos na anak niyang lalaki na si Andrew Joshua delos Reyes sa kalapit na village nila sa San Mateo, Rizal at nagpalipas ng gabi sa pagbi-video games sa isang lugar na malapit sa bahay ng kaibigan at kalaro sa basketbol.

 

 

Ni-raid ng mga pulis ang bahay, naghahanap ng droga, hindi natiyempuhan ang may ari ng bahay nang mga sandaling iyon.

 

 

Mga dismayado, umaresto na lang ang mga awtoridad ng kahit na sino, kabilang si Andrew Joshua at dinala’t kinulong sa San Mateo jail.

 

 

Gulantang ang pamilya ni Adi, kinasuhan pa ang anak ng pag-iingat umano ng kalahating kilo ng marijuana nang walang basehan.

 

 

Maraming sablay sa police blotter na hindi maipaliwanag sa pamilya Delos Reyes.

 

 

“Lumaki ang ang anak ko sa sports at medical family. Maraming mali sa police report na hindi nila maipaliwanag,” hinaing ni Adi.

 

 

Sana masilip po ito ng mga nakatataas diyan sa bayan o lalawigan.

 

 

Dalangin ng OD na makuha ni Adi ang katarungan para sa kanyang anak.

 

 

Isa lang ito sa nakakalungkot na gawain ng ilang pulis, (REC)

Other News
  • Pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages, malaki ang kontribusyon sa mabilis na inflation noong Hunyo – PSA

    ANG tumaas na presyo ng food and non-alcoholic beverages ang itinuturo ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mabilis na inflation noong buwan ng Hunyo na umabot sa 6.1 percent mula sa dating 4.9 percent noong buwan ng Mayo.     Kahapon nang iulat ng PSA na ang annual headline inflation ay bumulis pa sa […]

  • Na-excite ang fans na bida sa drama-action series: MIGUEL, handa na sa matinding training na tulad ng ginawa ni RURU

    NA-EXCITE ang fans ni Sparkle actor Miguel Tanfelix dahil nabigyan na ito ng pagkakataon na magbida sa sarili niyang drama-action series na ‘Mga Batang Riles.’       Makakasama rito ni Miguel ay sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.       Unang nagbida si Miguel sa teleserye na ‘Niño’ noong 2014. […]

  • Rally ni Robredo sa Negros Occidental dinaluhan ng 100K supporters

    MAHIGIT 100,000 katao ang dumalo sa iba’t ibang pagtitipon ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Negros Occidental noong Biyernes, kabilang ang grand rally sa Paglaum Stadium sa Bacolod City na dinaluhan ng 70,000 supporters.     Ayon kay Negros Occidental provincial administrator Rayfrando Diaz, ang bilang ng tao sa loob ng Paglaum […]