Hinamon ng mga Kongresista ang PACC na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Mariing itinanggi at kinondena ng mga mambabatas ang pagkakalagay ng kanilang pangalan sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian.
Hinamon din ng mga kongresista ang pacc na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon na korupsyon laban sa kanila kaugnay sa mga infrastructure projects sa kanilang mga distrito.
Bukod sa pagtanggi ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato sa alegasyon, naniniwala ito na ang alegasyon ay para guluhin ang lokal na pulitika sa probinsiya.
Naniniwala rin ito na ang akusasyon ay nagmula sa kayang mga “political detractors.”
Handa rin anyia siyang sumailalim sa imbestigasyon ng alinmang ahensiya.
Ikinagulat din ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa listahan pero nagbigay naman ng kaunting
kapanatagan ang paglilinaw ng pangulo na hindi beripikado ang natanggap niyang impormasyon,
“Public service has never been a money-making venture for me or my family whose good name is highly esteemed in Bataan…. I am open to any investigation to establish the truth on this matter and I am sure that my honor will be vindicated. My conscience is clear,” pahayag ni Roman.
Maging si dating Ifugao representative Teddy Baguilat Jr. ay itinanggi ag akusasyon at iginiit na hindi siya sangkot sa anumang imbestiigasyon o kaso ng korupsyon.
Pahayag naman ni Northern Samar Rep. Paul Daza na “baseless and malicious,” ang naturang alegasyon na pinaniniwalaang nagmula sa reklamo na isinampa ng kanyang mga kalaban sa pulitika.
Handa rin aniya niyang harapin ang anumang imbestigasyon sa akusasyon para malinis ang kanyang pangalan.
Gayundin, itinanggi din nina Deputy Speaker Henry Oaminal, ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang alegasyon at Quezon Rep. Helen Tan na nagpahayag na ang alegasyon ay hindi lamang nakakapanirang-puri kundi
“prejudicial” din dahil wala namang ebidensiya ang mga ito.
“The inclusion of my name in the report released by the PACC, despite the lack of evidence, is not only malicious but also prejudicial, especially that the issue involves alleged corruption and conspiracy with DPWH,” ani Tan. (ARA ROMERO)
-
Rookie NBA card ni Bryant naibenta sa halos $2-M
Naibenta sa halagang $1.79-M o mahaigit P86-M sa isang auction ang basketball card ni NBA star Kobe Bryant. Ang flawless Kobe Bryant rookie card ay ikinokonsidera bilang “one of the rarest in existence”. Ayon sa Goldin Auctions, nabili ito ng hindi na nagpakilalang buyer. Ang Topps trading card ay […]
-
Ads June 25, 2021
-
Japan, nagbigay ng $4.2-M
NAGPALITAN ng diplomatic notes ang Japan at ang International Organization for Migration (IOM) para sa USD4.2 million (P215.9 million) project na makapagbibigay ng “shelter kits, health clinic support, at medical equipment” sa mga lalawigan at ilang bahagi ng Pilipinas na labis na sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon. “Japan, in light of […]