Hinangaan ang world-class performances kasama sina Julie Anne at Jessica: XIAN, napagkamalan na isang prinsipe sa Saudi dahil suot na attire sa concert
- Published on April 4, 2022
- by @peoplesbalita
MUKHANG nasabik ang mga kababayan nating Pinoy na nasa Dubai, kaya naman naging matagumpay ang pagbabalik sa live concert events doon, pagkatapos ng two years na binawalan ang mga shows abroad at pahirapan sa pagbibiyahe dahil sa Covid-19 pandemic, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Kaya matagumpay ang pagbabalik live concert na ginawa ng GMA Pinoy TV last March 30 dahil libu-libong mga Pinoy ang dumalo para mapanood ang Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai, ang pinakamalaking expo sa mundo.
Pinangunahan ito nina Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose, The Clash Champion Jessica Villarubin, at new Kapuso actor Xian Lim, dahil jampacked ang Dubai Millennium Ampitheatre.
Hinangaan ng mga manonood ang world-class performances nina Julie Anne, Jessica at Xian, na kasama rin ang mga Pinoy performing groups na naka-based sa Dubai.
May iba nga raw nag-akala pang isang prinsipe sa Saudi si Xian dahil sa kanyang suot na attire sa concert.
Meanwhile, marami na rin ang naghihintay sa nalalapit na third episode ng Limitless concert ni Julie Anne, titled “Rise.” Mapapanood na ito sa Saturday, April 9, 2022.
Kung yung naunang dalawang episode ay ipinakita ni Julie Anne ang beauty ng Mindanao at Visayas, this time ay ipi-feature naman niya ang magagandang lugar sa Luzon.
Marami nang naghihintay kung sino naman ang magiging special guest dito ni Julie, pwede raw bang ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz ang muli niyang makasama ngayon?
Ang tickets ay available at www.gmanetwork.com/synergy
(NORA V. CALDERON)
-
Nakatutuwa ang gesture ng kanyang pamilya: BEA, nagluto at ipinakain sa mga kapitbahay na Aetas sa Zambales
NAKATUTUWA ang gesture ni Bea Alonzo at ng kanyang pamilya. Sinimulan sa isang cooking vlog kung saan ang mga niluto nila ay ipinakain sa mga kapitbahay niyang Aetas sa farm ni Bea sa Zambales. “Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” kuwento ni […]
-
Chile nakapasok sa Rugby World Cup sa unang pagkakataon
NAKAPASOK sa Rugby World Cup ang bansang Chile. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado. Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro. Dahil dito ay kabilang […]
-
P1.28 BILYON HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
UMABOT sa P1.28 bilyon halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto mg tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga naaresto na sina Jorlan San Jose , 26, may-asawa; Joseph Maurin, 38 at Joan Lumanog , 27, dalaga at pawang residente ng Dominorig, Talatag Bukidnon […]