• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila

Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.

 

 

“Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi dahan dahan pang bumababa. At saka may variant of concern, ‘yung sinasabi nilang Delta variant,” ayon kay Vega.

 

 

Kasalukuyang nasa general community qua­rantine with restriction’ ang Metro Manila kasama ang Bulacan. Ang pinakamababang istatus ay ang modified general community quarantine (MGCQ).

 

 

Kailangang hindi mahuli ng ‘off-guard’ ang pamahalaan sa kabila ng pagtiyak niya na hindi pa kumakalat sa ‘local setting’ ang naturang variant.

 

 

Patunay nito ang pagkakaroon na ng bansa ng 17 kaso ng Delta variant na karamihan ay mga manlalakbay at bagong dating sa Pilipinas.

 

 

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na linggo, hindi pa naman umano masasabi na talagang wala na lalo na at nagkakaroon ng surge sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.

 

 

Sa unang ulat ng OCTA Research, kabilang ang mga siyudad ng Davao, Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro at Tacloban ang nakitaan ng malaking pagtaas sa mga kaso. Habang sa Metro Manila, bumaba ng 700 ang average na kaso kada araw mula Hunyo 15-21. (Daris Jose)

Other News
  • Witness the Origin: New Trailer for “Transformers One” Unveiled at San Diego Comic-Con

    DISCOVER the untold origin of a legendary rivalry! Get ready to witness the story that reshaped our world with the new trailer for “Transformers One,” unveiled at San Diego Comic-Con.       Starring Chris Hemsworth, Brian Tyree Henry, Scarlett Johansson, and Keegan-Michael Key, this groundbreaking film opens exclusively in cinemas on September 18.   […]

  • PDU30 nagpabakuna na!

    Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi  si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go.     Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.     Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte […]

  • Wala akong balak maging Presidente – Pacquiao

    Ibinida ni eight division world champion Sen. Manny Pacquiao na interesado itong makasagupa si WBO welterweight champion Terence Crawford.   Isiniwalat nito na nakausap na niya si Top Rank Big Boss Bob Arum tungkol sa possible nilang salpukan.   Subalit, isang bagay lang umano ang humaharang sa laban ng dalawa at ito ay ang problema sa coronavirus matapos sabihin ng Pambansang Kamao na […]