• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala akong balak maging Presidente – Pacquiao

Ibinida ni eight division world champion Sen. Manny Pacquiao na interesado itong makasagupa si WBO welterweight champion Terence Crawford.

 

Isiniwalat nito na nakausap na niya si Top Rank Big Boss Bob Arum tungkol sa possible nilang salpukan.

 

Subalit, isang bagay lang umano ang humaharang sa laban ng dalawa at ito ay ang problema sa coronavirus matapos sabihin ng Pambansang Kamao na babalik lang siya sa ring kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.

 

“Ikinokonsidera ko lang ang kaligtasan ng lahat lalong-lalo na ang mga manonood,” hirit ng fighting senator.

 

Itinanggi naman ni Pacquiao na tatakbo ito bilang Presidente ng Pilipinas sa halalan sa  2022.

 

Matatandaang ibinulgar ni Arum na sinabi umano sa kanya ni Pacquiao ang kanyang interes sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

 

Pero, nilinaw ni Pacman na hindi nila pinag-uusap ni Arum ang kanyang plano sa pulitika.

Other News
  • PDu30, handang harapin si Gordon sa public debate

    HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.     Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, tinawag ni Pangulong Duterte na “magnanakaw” si Gordon dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon sa Philippine Red Cross (PRC), kung saan siya […]

  • NCR, mananatili sa Alert level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre

    MANANATILI sa  Alert Level 2 ang  National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.     Bukod sa NCR, ang mga  lugar ng  Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros […]

  • PDu30, gustong bumalik sa Odette-hit provinces sa kabila ng COVID-19 case surge

    NAIS nang bumalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lalawigan na winasak ng bagyong “Odette”.     Ito’y sa kabila ng pagsirit ng bagong surge ng COVID-19 cases na dahan-dahang winawalis ang iba’t ibang bansa.     Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People,  na nais niyang muling bisitahin ang mga […]