Hindi aatras ang Philippine ships sa WPS, patayin man ng China
- Published on May 17, 2021
- by @peoplesbalita
MATAPOS kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign promise para sa mga mangingisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke”, binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China.
Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte, Huwebes ng gabi ay sinabi ni Defense Secretary Lorenzana sa Pangulo na ang Pilipinas ay mayroong 2 barko sa West Philippine Sea, na gumagala sa paligid ng Kalayaan islands at Mischief Reef.
“I’d like to put notice sa China. May 2 barko ako d’yan … I am not ready to withdraw. I do not want a quarrel, I do not want trouble. I respect your position, and you respect mine. But we will not go to war,” ayon sa Pangulo.
Hindi kailanman aatras ng kahit na isang pulgada ang Philippine ships.
“Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan,” giit ni Pangulong Duterte.
Sa ulat, hindi maitatago ng ilang mga mangingisda sa Infanta, Pangasinan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “pure campaign joke” lang ang sinabi niya noong pag-jetski sa Scarborough shoal para igiit ang karapatan ng mga Pinoy.
Sa Dagupan City, Pangasinan idinaos ang 2016 Presidential Townhall Debate ng ABS-CBN kung saan libo-libo ang dumalo, kasama ang mangingisdang si Carlo Montehermozo.
Isa siya sa mga mapalad na nakapagtanong sa mga kandidato.
“Ano po ba ang puwede ninyong gawin para sa aming mangingisda upang matulungan kami na hindi maitaboy ng Chinese Coast Guard at para makapamingwit kami nang mabuti at mayapa?” tanong ni Montehermozo.
Nangibabaw ang sagot noon ni dating Davao City Mayor at ngayo’y pangulo na si Duterte na sinabing magje-jetski siya para itanim doon ang watawat ng Pilipinas.
Pero nitong linggo, makalipas ang 5 taon, ibinunyag ni Duterte na biro lang ang sinabi niya at sinabing “istupido” ang mga naniwala dito.
Dismayado si Montehermozo lalo’t kabilang siya sa mga naniwala at bumoto kay Duterte noong nakaraang halalan.
“Nagsinungaling naman siya sa amin, hindi naman tinupad iyong ano niya, iyong sinabi niya sa amin… Dapat hindi joke ang sabihin niya, gawin niya iyong sinabi niya sa akin, para hindi naman kami mukhang tanga doon sa Scarborough na ganito ang ginagawa sa amin,” hinaing niya.
Ayon kay Montehermozo, walang nagbago sa sitwasyon sa Scarborough shoal mula nang umupong pangulo si Duterte.
Naroon pa rin ang Chinese coast guard at tinataboy ang mga mangingisdang pumapasok sa Scarborough.
Pinagtitiyagaan na lang nina Montehermozo ang ano mang mahuhuli sa gilid ng Scarborough para lang maitawid sa hirap ng buhay ang kanyang pamilya.
“Iyon nga ang masaklap doon eh, hindi kami nakakapasok doon sa loob. Pati bangka namin na malalaki… Diskarte na lang ginagawa namin para makapangisda sa loob,” ani Montehermozo.
Nang itaboy noong 2015 ng Chinese coast guard ang tropa nina Montehermozo, kasama niya ang pinsang si Efren na patagong kumuha ng video ng mga pangyayari.
Isa rin siya sa mga umasa sa pangako ni Duterte na mapoprotektahan na sila.
“Tuwang tuwa ako kasi ipagtatanggol ang mangingisda, pero hindi naman niya tinupad eh, hanggang sa salita lang iyan siguro… Kung ganoon nalang din po hindi na po ako boboto,” ani Montehermozo. (Daris Jose)
-
Kampo ni WNBA star Brittney Griner lubos ang pasasalamat sa mga suportang nakukuha matapos maaresto sa Russia
Labis ang pasasalamat ng kampo ni WNBA star Brittney Griner sa mga suportang nakukuha nito matapos na maaresto sa Russia ng makuhanan ng illegal substance. Sinabi ng kanyang asawang si Cherelle Griner na nagpapasalamat ito sa mga fans at mga kaanak nila na nagpaabot ng pagdarasal para agad na makalaya ito. […]
-
Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan
MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na […]
-
RAVENA PURNADA ANG BL ALL-STAR GAME ‘21
BUNSOD ng pilay sa kamay, hindi na makakabahagi sa B.League All-Star Weekend 2021 si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na Enero 15-16. Kasama ang 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa B.White team na lalaban sa B.Black squad sa ikalawang araw ng […]