RAVENA PURNADA ANG BL ALL-STAR GAME ‘21
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
BUNSOD ng pilay sa kamay, hindi na makakabahagi sa B.League All-Star Weekend 2021 si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na Enero 15-16.
Kasama ang 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa B.White team na lalaban sa B.Black squad sa ikalawang araw ng okasyong All-Star Game, makaraan rin sana sa pagsagupa niya sa slam Dunk Competition sa unang taon niya sa liga bilang Asian import ng San- En Neophonix.
Pero nabalian siya sa ikaapat na daliri ng kanang kamay sa laro ng team niyang San-En sa liga nitong Sabado, Enero 2 kontra Sun Rockers Shibuya nang sikaping habulin ang loose-ball sa third period ng game.
Pinahayag na nitong Miyerkoles ng liga ang hahali sa Pinoy cager na si Takuya Kawamura ng SeaHorses Mikawa. Gayunman, wala nang rerelyebo sa kanya sa dakdakan sa midyear extravaganza ng professional cage league.
Inamin sa nakalipas na Martes ni Ravenan na daraan siya sa matinding gamutan at pagpapagaling sa dinanas. Pero nagpasalamat siya sa mga nagpaabot sa kanya na gumaling agad. Malamang na abutin ng isa’t kalahating buwan ang injury bago tuluyang gumaling.
“We are now in the process of getting myself back to a hundred percent as soon as we can but I do understand that it will be an arduous journey to recovery,” anang basketbolista. (REC)
-
Ads August 17, 2023
-
ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY
Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives. ‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill. Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? […]
-
‘Pink Sunday,’ idinaos sa Quezon City Circle
NAGING kulay rosas ang Quezon City Memorial Circle noong Feb 13, Sunday kasunod nang pagdaraos ng “People’s Proclamation Rally” ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang presidential bid, na tinaguriang ‘Pink Sunday.’ Nagtungo rin naman si Robredo sa QC City Hall kung saan personal siyang winelcome ni QC Mayor Joy Belmonte. […]