• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi cha-cha ang sagot sa pandemya at magbabangon sa sadsad na ekonomiya

Ito ang pahayag ni  Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat kasunod nang pagpasa ng House Committee on Constitutional Amendments ang Resolution of Both Houses no. 2 na nagsusulong sa economic Charter Change o Cha-Cha ng 1987 Constitution.

 

 

“Isang dumadagundong na pagkundena sa pagmamadali at pagratsda nang walang pakundangan sa panukalang Cha-Cha ng Kongreso.  Ito ay tuwiran na ibebenta ang ating likas na yaman, pabibilisin ang pandarambong sa ating pambansang patrimonya,” ani Cullamat.

 

 

Ayon sa mambabatas, ang pag-apruba sa RBH2 ay nagpapakita na wala umanong kapangyarihan ang Kongreso na siya lang ang mag-akda o gumagawa ng batas para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino lalo na sa mga katutubo, magsasaka at lahat ng mahihirap na patuloy na pinagkaitan ng karapatan sa lupa at sa sariling rekurso ng bansa.

 

 

“Pataksil na inaprubahan kahit saliwa ito sa tunog ng pagkalam ng tiyan ng nakarami. Hindi Cha-cha ang sagot sa pandemya at nagugutom na mamamayan, kundi bakuna at ayuda. Lalong hindi Chacha ang sasagot sa bagsak at lugmok na ekonomiya ng bansa,” dagdag ni Cullamat.

 

 

Ang economic chacha with amendments ay  naaaprubahan sa botong 62 yes, 3 no at 3 abstention.

 

 

Bago i-adopt ng komite ang panukalang chacha ay nagkasundo ang mga miyembro sa mosyon ni Committee Vice Chairman Lorenz Defensor na huwag ng isama ang Section 7 Article 12 ng National Economy and Patrimony sa aamyendahan patungkol sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan.

 

 

Ibig sabihin, ang restrictions sa foreign ownership sa lupa ng bansa ay mananatili.

 

 

Sa kabilang banda ay nananatili pa rin ang pagsisingit ng katagang “unless otherwise provided by law” sa mga restrictive economic provisions ng Saligang Batas partikular sa Articles 12, 14 at 16.

 

 

Sabay ding inaprubahan ang committee report ng economic chacha at nakatakda na itong iakyat sa committee on rules pata maikalendaryo at masimulang talakayin sa plenaryo.

 

 

Para ganap na mapagtibay ang economic chacha sa Kamara ay mangangailangan ng 3/4 votes mula sa lahat ng mga kongresista. (ARA ROMERO)

Other News
  • SHARON, binuweltahan ang mga bashers na nanglait at nandiri; proud bilang Carmela sa ‘Revirginized’

    PATULOY ngang pinag-uusapan ang ‘tequilla body shot’ scene nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao para sa Revirginized ng Viva Films na mapapanood ngayong Agosto sa Vivamx.     Noong isang araw lang, nag-trending ng almost six hours ang ‘Mega is Revirginized’ na umabot sa Top 9, kaya pinasalamatan ng Megastar ang kanyang mga Sharonians.   […]

  • Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon

    Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero.     Ayon kay Col. […]

  • Paglilinis ng mga nitso sa Maynila hanggang Oktubre 25

    HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na agahan ang paghahanda para sa nalalapit na paggunita ng Undas.     Ayon kay Lacuna, ang deadline para sa paglilinis ng mga puntod at nitso ay hanggang sa Oktubre 25, 2024 o anim na araw pa bago ang Nobyembre 1 at 2.     Kasabay nito, […]