• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi inaasahan ang pagkikita nila sa studio: Interview ni BOY kina BEA at JOHN LLOYD, kaabang-abang

INSTAGRAM post ni Megastar Sharon Cuneta ang first day take ng “Five Breakups And A Romance” na P10M: Congrats to my babies, @aldenrichards02 and @montesjulia08 on the success of #fivebreakupsanda romance!!! 

 

 

“Napanood ko siempre nung premiere night nila – di pwede absent si Mommy! – and napakagaling nilang dalawa (pagmamahal aside), ng direction, script, lighting, at lahat na! Congrats po to GMA Pictures and CS Pictures, Myriad Productions! And to Direk Irene.  Super galling!” Mabilis namang nagpasalamat si Alden: “Thank you Mama.|

 

 

IG post din ni Alden ang: MABUHAY ANG PAG-IBIG! Five Breakups and a Romance has breached P10M! Walang humpay pong pasasalamat!”

 

 

Ang movie ay ipinalalabas na in more than 240 cinemas all over the Philippines at maraming nagpapa-block screening para makasiguro silang mapapanood nila ang movie.  Congratulations!!!

 

 

***

 

 

HINDI inaasahan ang pagkikita nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa studio ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA Network last Thursday, October 19.

 

 

Pareho pala silang guest sa week-long birthday celebration ni Boy.

 

 

“Hello po, Sir John Lloyd,” pabirong bati ni Bea kay John Lloyd, na yumakap nang mahigpit sa kanya.

 

 

Ang mga tao naman sa studio ay sumisigaw ng “Popoy” at “Basha,” ang mga characters na ginampanan nila sa 2007 blockbuster movie na “One More Chance.”  Nagkumustahan ang dalawa na mukhang matagal nang hindi nagkikita.

 

 

Kaabang-abang daw ang interview na ginawa ni Boy kina Bea at John Lloyd na mapapanood next week dahil buong katapatan daw nilang sinagot ang mga personal questions na ibinato sa kanila ni Boy.

 

 

First time daw itong nagsalita si John Lloyd tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Isabel Santos, sa co-parenting agreement nila ni Ellen Adarna sa anak nilang si Elias, at ang mga pagbabago sa kanyang buhay dahil sa kanyang anak.

 

 

Ano naman kaya ang inamin ni Bea kay Boy, tungkol sa kanilang nalalapit na pagpapakasal ng boyfriend na si Dominic Roque?

 

 

Ang “Fast Talk with Boy Abunda” ay napapanood daily, 5:20 pm sa GMA-7 .

 

 

***

 

 

TAWA lamang nang tawa si Kapamilya actor at TV host na si Piolo Pascual nang tanungin tungkol sa isyung nabuntis daw niya si Shaina Magdayao?

 

 

Kumalat kasi ang balitang preggy si Shaina at ang itinuturong tatay ay si Papa P (Piolo).  Sa isang interview ay sinagot na ni Piolo ang sinasabing balita tungkol sa kanila ni Shaina.

 

 

Tawang-tawa nga si Piolo at pabiro rin niyang sinagot ang nag-viral na tsismis, “Siyempre ang daming tumawag sa akin, kaya ang biro kong sagot: ‘sorry hindi ko kayo nasabihan, Sini-secret talaga kasi namin, e, hahaha! Know for yourself, di ba? Buti pa kayo alam ninyo!”

 

 

Pero inamin naman ni Piolo na espesyal pa rin sa puso niya si Shaina pero ayaw muna niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon.

 

 

“Tingnan po natin anong mangyayari.  First there is pressure in the family, in the society and she’s a good friend with my family.  Sa ngayon ay I’m really busy and I don’t have any time for that, so I don’t wanna be unfair.”

 

 

Meanwhile, gumawa ng isang horror-thriller si Piolo, na may tatlong character siyang gagampanan, at inamin niyang nahirapang siya talagang gawin ang “Mallari” na entry ng Mentorque Productions at CleverMind, Inc. para sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Alert Level 2 sa NCR, malabo pa – DOH

    MASYADO pa umanong maaga para sabihin na maari nang ibaba sa Alert Level 2 mula sa Alert Le­vel 3 sa pagpasok ng Pebrero ang National Capital Region (NCR).     Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ‘peak’ ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay inaasahan sa pagtatapos ng Enero o […]

  • Ads December 29, 2021

  • Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators

    UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program.     Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators […]