Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.
“Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit ngayon lamang ay ibalik natin ito sa kanila, ‘wag nating galawin yung pera nila,” wika ni Bello.
Humihingi ang OWWA ng P5 bilyon pisong supplemental budget mula sa kongreso upang mapalawig ang kanilang pondo dahil sa banta ng bankruptcy kung magpapatuloy sa paggastos para sa pagkain, accommodation at transportasyon ng mga napauwing manggagawa hanggang taong 2021.
Sa isinagawang Senate hearing noong nakaraang linggo, sinabi ni OWWA chief Hans Leo Cacdac na ang pondo ng ahensya na P18.79 bilyon ay inaasahang babagsak sa P10 bilyong hanggang matapos ang taon hanggang sa bumaba ito ng P1 bilyon hanggang matapos ang 2021 kung patuloy na magkakaroon ng mga OFW na mawawalan ng trabaho at mapapauwi.
Batay sa tala, gumastos na ang OWWA ng P800 milyon para sa repatriation, accommodation at tulong pinansyal para sa mga umuwing OFW na apektado ng Covid 19, ayon kay Cacdac.
Sinabi pa ni Bello na ang pondo ng OWWA ay dapat na ginagastos para sa pangangailangan ng mga miyembro tulad ng livelihood o kung balakin nilang magtayo ng sariling negosyo at para sa edukasyon ng kanilang mga anak.
“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” ayon sa kalihim.
“Ang gobyerno ay dapat na gumawa ng pamamaraan upang matiyak ang karagdagang pondo upang matulungan ang ating mga OFW,” dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na, “Huwag nating hayaan na maramdaman ng OFW na tinitipid sila sa kabila ng napakalaki nilang naitulong sa ekonomiya natin in the good and in the best of times.”
Ayon kay Bello, tinatayang nasa 90,000 OFW ang stranded sa ibang bansa, naghihintay ng repatriation, habang ang nasa 63,000 ay napauwi na sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN
IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil […]
-
Pagdanganan tumabla sa ika-64, may P161K
TINIKLOP ni Bianca Isabel Pagdanganan ang laro kagaya sa simula sa tiradang one-under par 71 patungo sa 72-hole total four-over par 292 at tumabla sa tatlo sa 64th place na may $3,373 (P161K) bawat isa pagtatapos ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 14th leg $1.8M 3rd LPGA Mediheal Championship sa Lake Merced Golf […]
-
Seryoso ang lahat at walang nagba-buckle sa dialogue: DINA, nag-enjoy sa masayang kulitan ng cast dahil nakawawala ng tension
INAABANGAN Mondays to Saturdays ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na tampok sina Carmina Villarroel at Jillian Ward. Interesting na iba’t ibang guest artists ang pumapasok sa mga eksena, kaya nang mawala muna sa eksena si Richard Yap as Dr. RJ Tanyag, nang mag-taping siya ng “Unbreak My Heart” […]