• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi ito ang panahon at oras ng pagtitipid–PDU30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang umiiral na Covid-19 pandemic sa bansa ay nagpapakita lamang na hindi ito ang panahon at oras ng pagtitipid.

 

 

Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay hinikayat ng Pangulo si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and CEO Dante Gierran na gamitin ang kanilang resources para ma-cover ang mas marami pang medical needs na patuloy na tumataas dahil sa Covid-19 pandemic.

 

 

“If the pandemic is there and the beds are intended to be rolled out…sabi ko kay Gierran huwag ka magtipid, hindi ito panahon sa tipid ,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PhilHealth na i- cover ang mga bayarin ng isang Covid-19 patients na naghihintay sa tents at iba pang pasilidad na itinayo sa hospital grounds habang naghihintay ang mga ito na sila’y ma-admit.

 

 

Makabubuti aniya na gumastos para sa sobrang medical needs kaysa kapusin ang mga ito.

 

 

“Ilarga mo lahat ‘yan kailangan ng tao. Miski hindi pa kailangan ilagay mo lang diyan tutal aabot rin ‘yan ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

“Pagdating ng panahon ‘O bakit ka bumili ng sobra?’ Bakit? Is there a way of knowing how many or how few ang matamaan ng Covid ,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang lahat ng departamento at ahensiya ng pamahalaan na gastusin ang kanilang pondo sa mga bagay na kailanga lamang para sa ginagawang pagsusumikap ng gobyerno na tugunan ang health crisis.

 

 

“Do not be afraid to spend money because that is intended to be spent. Kaya nilalagay natin ‘yan sa budget tapos para gastusin ,” anito.

 

 

Aniya, maaaring sumulat ang mga ito sa kanya at ipaliwanag kung bakit ang binili nila ay mahalaga.

 

 

Nangako naman si Pangulong Duterte na nasa likod lamang siya ng mga ito sakali’t may nag-kuwestiyon ng gagawin nilang paggasta.

 

 

“Huwag kayong matakot maggastos. Just follow rules…If it is really good masabi ninyo you justify it the moment pagbili ninyo. Nandiyan ako sa likod niyo  And I will vouch for you if the transaction is legal and right,” aniya pa rin.

 

 

Binalaan naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga Cabinet officials na madawit sa corrupt practices.

 

 

“But if it is wrong and there’s money involved at p*t*ng*n*,” diing pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Paulo at Michelle, marunong pa ring tumanaw ng loob sa network

    NAWALA na ang exclusive contracts ang lahat ng mga artista o tinatawag na network contract nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil hindi nila inaprubahan ang aplikasyon para sa bagong prangkisa.   Ganito rin ang Star Magic talents na puwede silang tumanggap na ng ibang offers sa ibang network base rin sa pahayag ng namamahala […]

  • NBA at Irving todo abang sa magiging anunsiyo ng New York na pagtanggal sa vax mandate

    TODO ABANG  na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19.     Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New […]

  • THE CHILDREN STEP UP TO FIGHT THE CREATURES IN “A QUIET PLACE PART II”

    THEIR father Lee Abbott (John Krasinski) pulled off the ultimate sacrifice in order to save them in  A Quiet Place Part.  Now, in the sequel A Quiet Place Part II, Regan (Millicent Simmonds) and Marcus (Noah Jupe) must step up to the plate as they seek refuge from the sounds that draw the omnipresent alien creatures. […]