• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi kailangan ang license, registration ng e-bikers

INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na hindi kailangan ang registration papers ng mga electronic bikes at scooters na may maximum speed ng 25 kilometers kada oras upang tumakbo sa lansangan.

 

Ayon din sa LTO na hindi rin kailangan ng mga drivers ng smaller category of e-bikes na magkaron ng driver’s license mula sa LTO.

 

Subalit kahit na ang riders ng e-bikes at scooter ay exempted sa pagkakaron ng licenses at registration, ang mga sasakyan na ito ay limited lamang sa mga barangay roads at bicycle lanes na tinalaga ng mga authorities.

 

Sinabi rin ni LTO chief Edgar Galvante na ang guidelines ay nasa Department of Transportation na para kanilang repasuhin at pag-aralan.

 

“The one submitted to us is an initial draft that is yet to be reviewed by the DOTr Road Sector, Legal Affairs, and the Office of the Secretary,” wika ng DOTr.

 

Dati pa ay sinabi ni Galvante na may administrative order na binubuo na para sa guidelines ng e-scooter at e-bike at hinihintay na lang approval ng DOTr.

 

“The regulation of e-scooters and e-bikes would be based on the category depending on weight and specifications and aimed at pro- tecting the vulnerable sector,” sabi ni Galvante.

 

Samantala, sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade na hindi siya inclined na pangasiwaan ang e-scooter habang ang bansa ay nasa ilalim pa ng pandemic.

 

Ayon kay Galvante na ang LTO at DOTr ay hinihikayat ang publiko na gumamit ng ibang alternative modes ng transportation ngayon panahon ng pandemic at kahit na sa normal na panahon.

 

“These alternatives will help save the environment by lessening gas emission from traditional modes of transportation,” wika ni Tugade. (LASACMAR)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 3) Story by Geraldine Monzon

    NAKATAKAS ang mga kasama ni Cecilia habang siya ay naiwan sa kamay ni Bernard.     Dahil sa narinig na putok kanina ay napilitang lumabas ng silid si Angela sa pag-aalala sa asawa. Kasunod niya si Lola Corazon.     “Bernard!”     “Natawagan mo na ba si Marcelo?”     “Oo Bernard, papunta na […]

  • NCR, inilagay sa ilalim ng Alert Level 3

    INAPRUBAHAN nang Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 3 simula Oktubre 16, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.   Inaprubahan  naman ng IATF na ilagay ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, at Naga City para sa Luzon; at Zamboanga City at […]

  • NBA star JR Smith desididong maglaro ng golf

    Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith.     Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North Carolina A&T State University para makasali sa golf team ng koponan.     Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith.     Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North […]