• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang

Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil di umano sa “boga” at right of way.

Ayon kay Sec. Roque, isang bugok lamang na pulis si Nuezca at hindi naman lahat ng kagawad ng pulisya ay kagaya nito.

Matindi aniya ang ipinatutupad na disiplina sa mga pulis kasama na ang tamang paggamit ng armas.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang baril ay para sa proteksyon ng mga alagad ng batas at hindi para gamitin laban sa kanilang mga personal na kaaway.

“Gaya ng aking nasabi kanina, isang bugok lang po iyang pulis na iyan; hindi naman po lahat ng pulis eh gaya niya.
Siyempre po, ang baril eh para sa proteksyon ng ating mga kapulisan, hindi po iyan para gamitin laban sa kanilang mga personal na mga kaaway,” anito.

Aniya, exception ang mga bugok sa kapulisan gaya ni Nuezca na bumaril sa mga walang kalaban laban.

“Uulitin ko po ‘no, talagang exception po ang mga bugok sa kapulisan; by and large po matindi po ang disiplina naman ng ating mga kapulisan,” lahad ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Marawi bombing inako ng ISIS

    INAKO ng terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pagsabog kamaka­lawa ng umaga sa Min­danao State University (MSU) na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng nasa 50 iba pa habang isinasagawa ang misa.     Sa isang communique, sinabi ng ISIS na miyembro nila ang nag-detonate ng bomba. Ito rin […]

  • LAHAT NG SEMENTERYO SA VALENZUELA, SARADO SA UNDAS

    ININANUNSYO ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod simula October 30 hanggang November 3, 2020.   Ayon kay Mayor Rex, ito ay alinsunod sa Executive Order No. 2020-205 bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19.   Aniya, ang mga nagnanais na gunitain ang Undas, maliban na lang […]

  • Diplomatic relations, naiisip na paraan ng gobyerno para makakuha ng AstraZeneca na gagamitin sa pagbibigay ng ikalawang dose para sa mga una ng naturukan nito

    GAGAMITIN ng gobyerno ang diplomatic relation para makakuha ng AstraZeneca vaccine.   Ito’y upang masiguro na hindi mabibitin sa pagtuturok ng ikalawang dose ang mga naturukan ng AstraZeneca sa harap ng umano’y pagkakaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility.   Ayon kay Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, may problema […]