• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi lisensyadong COVID-19 Testing Lab na nag-aalok ng RT-PCR test sa Valenzuela, ipinasara

Ipinasara at sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang business permit ng Bestcare Medical Clinic at Diagnostic Center, Inc. makaraan ang natanggap na mga ulat na nag-aalok ito ng RT-PCR swab test na walang lisensya bilang isang accredited COVID-19 testing facility.

 

 

Ito’y matapos lagdaan ni Mayor Rex Gatchalian ang Executive Orders No. 015 at 016 Series of 2021 kung saan nakasaad ang suspensyon ng permit at pagpapasara ng dalawang sangay ng Bestcare sa Barangay Karuhatan.

 

 

Kabilang sa mga batayan ng Pamahalaang Lungsod para sa pagsuspinde ng business permit ay 1) paglabag sa Mayor’s Permit, 2) paglabag sa Waiver/Undertaking, 3) paglabag sa Consumer Rights, at 4) paglabag sa provision ng Local Government Code on General Welfare.

 

 

Ang Bestcare ay lumabag din sa mga probisyon ng RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concerns Act para sa pagkabigo na mag-ulat ng COVID-19 test results at para sa diumano’y paglabas ng mga resulta ng RT-PCR na walang lisensya bilang isang COVID- 19 testing laboratory.

 

 

Sa liham nito na may petsang Enero 27, ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod ay naglabas ng isang notice to explain sa Bestcare Medical Clinic and Diagnostic Laboratory matapos matanggap ang impormasyon ng tanggapan na ang clinic ay “committed acts of falsifying swab test results”  gamit ang pangalan ng ibang laboratory.

 

 

Dahil under investigation pa ito, minabuti ng Pamahalaang Lungsod na suspindihin ang business permit ng Bestcare bilang proteksyon ng mga consumer rights at kapakanan ng publiko habang ang klinika ay nag-aalok ng COVID-19 RT-PCR test sa ilalim ng pangalan nito nang walang lisensya bilang isang COVID-19 testing facility.

 

 

Sa tugon ng Bestcare sa lungsod na may petsang Enero 29, hindi rin direktang hinarap ang isyu sa nakasulat na paliwanag nito sa Pamahalaang Lungsod para sa umano’y “questionable actions”.

 

 

Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa publiko na maging mapagbantay at mag-ingat sa mga laboratoryo na nag-aalok ng mga kahina-hinalang COVID-19 test at serbisyo saka iulat ang mga posibleng paglabag sa BPLO sa 8352-1000.  (Richard Mesa)

Other News
  • Price ceiling para sa pork, chicken products sa NCR sa Pebrero 8 pa sisimulang ipatupad – Dar

    Sa Pebreo 8 pa magsisimula ang 60-day price cap para sa pork at chicken products sa Metro Manila, ayon kay Agriculture Sec. William Dar.     Inanunsyo ito ni Dar sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food patungkol sa pagtaas ng presyo ng pagkain.     Kahapon, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang […]

  • Naluha si Jessy at si Luis ang tamang nakahula ng gender: VILMA, tuwang-tuwa dahil girl ang first apo na tinatawag na nilang ‘Baby Peanut’

    NALUHA si Jessy Mendiola at naka-ilang “OMG” sa naging gender reveal nila ng mister na si Luis Manzano.     Baby boy ang hula ni Jessy na magiging first baby nila habang baby girl naman si Luis. Obviously, si Luis ang nagwagi sa kanilang dalawa dahil baby girl nga ang ipinagbubuntis ni Jessy.     […]

  • BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA ILOG SA NAVOTAS

    BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsabi sa kanyang pamilya na mangingisda lamang siya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktima bilang si certain Jaymark Panganiban, nasa 25-30 ang edad at nakatira sa Judge Roldan […]