Hindi naman sinasara ang posibilidad: JEFFREY, loveless pa rin kaya hindi sila ni GENEVA
- Published on October 29, 2024
- by @peoplesbalita
LOVELESS si Jeffrey Hidalgo.
Hindi totoong may relasyon sila ng kapwa singer at kapwa niya former member ng singing group na Smokey Mountain na si Geneva Cruz.
Ang natatawang reaksyon ni Jeffery, “BFFs, ano kami “loveteam”, pero tawag dun, iyon nga, we’re actually… dahil nga dun sa love team namin na ano siya e, organic nga siya di ba, na nagsimula siya nung pandemic tapos palagi na kaming magkasama.
“Although ngayon medyo hindi pa kami nagkikita madalas kasi medyo pareho kaming busy, pero palagi kaming nag-uusap.
“Pero yun nga, dahil nga dun sa aming “loveteam”, I’m trying to develop a film na kaming dalawa.”
Director at artista si Jeffrey sa binubuo niyang pelikula ni Geneva.
Si Geneva ba ay may love life?
“Alam ko wala din.”
So puwede naman pala maging sila…
“Tingnan natin,” at muling tumawa si Jeffrey, “palagi naman naming sinasabi hindi naman kami closed to the possibility, malay mo after namin mag-shoot? Joke lang. Ha! Ha! Ha!”
‘Nanay, Tatay’ na pelikulang kasali sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto Horror Film Festival.
Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, Inc. at Studio Viva production, ang Nanay, Tatay ay sa panulat at direksyon ni Roni Benaid kung saan mga artista rin sina Andrea del Rosario, Aubrey Caraan, Heart Ryan, Elia Ilano, Billy Vileta at Xia Vigor.
Mula rin sa Viva Films at Viva Studio , JPHLiX Films, BLVCK Films at Pelikula Indiopendent ang Pasahero.
Kasali rin sa festival ang dalawang foreign horror film na The Thorn: One Sacred Night mula sa Indonesia at ang Japanese film na House Of Sayuri.
Mapapanood ang mga entries sa Sine Sindak 2024 exclusively sa mga SM Cinemas mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5. (ROMMEL L. GONZALES)
-
EJKs ‘hindi pinapayagan’ sa ilalim ng Duterte administration, walang nasayang sa drug war
TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa war on illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Pinanindigan ng Malakanyang na ang extrajudicial killings ay hindi parusa sa ilalim ng kampanya. “Ipinagbabawal natin ang EJK, bawal po ‘yan. Bawal ang any extrajudicial means. At kung sinuman ang kailangang parusahan, sinuman ang naakusahan, kung sinuman ang […]
-
ANIME-ZING NOVEMBER AT THE CINEMAS
DEVOTED anime fans and film enthusiasts can look forward to a jampacked November with the successive release of anime films along with a live-action Japanese film best seen and experienced at the cinemas. “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes” leads two young people to Urashima Tunnel, a mysterious tunnel that can […]
-
NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus. Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]