• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi napigilan na maging emosyonal: ANGEL, nanghihinayang na ‘di nakita ng bulag na ama lalo na noong kasikatan niya

HINDI napigilan ni Angel Locsin ang umiyak nang matanong ito ni Ogie Diaz sa YouTube vlog ng huli. 

 

 

Tinanong kasi si Angel sa kung ano ang pinanghihinayangan niya. At ito nga raw ang hindi siya nakita ng 95 years old na father niya, kahit noong panahon nasa peak siya ng career niya.

 

 

      “Alam mo ‘yung pinaka-pinanghihinayangan ko sa buong buhay ko siguro, lalo na dati nu’ng peak ko, halos anong part ng EDSA, may billboard ako, sunod-sunod.

 

 

      “Siguro kalahati sa Pilipinas, alam ang mukha ko. Pero ‘yung tatay ko, hindi alam ang mukha ko.

 

 

Si Angel at ang kapatid daw niyang bunso ang may panghihinayang dahil sa part nga raw niya, nagdadalaga pa lamang siya, hindi na siya nakikita ng ama.

 

 

At kahit nga bulag ang daddy niya, may TV pa rin daw ito sa kuwarto. Pinapanood ang mga teleserye niya at nakikinig ng mga balita sa kanya sa radyo.

 

 

“Gumagawa siya ng paraan para maging involved pa rin sa buhay ko,” sey niya.

 

 

At may time nga raw na pwede pang masalba ang paningin ng daddy niya, pero ‘yun naman ang time na wala pa siya, hindi pa raw niya kayang tustusan ang pagpapagamot dito.

 

 

***

 

 

NAGING biktima na rin daw si Nadine Lustre ng pagiging “greedy” ng ibang tao. Hango ang tanong sa naging online mediacon para sa comeback movie niya sa VIVA, ang Greed na sinulat at dinirek ni Yam Laranas.

 

 

Isang dating kaibigan at influencer raw ito.

 

 

     “I think, first hand experience, medyo malala kasi in all aspects, she’s supposed to be my friend. So, everyone was telling me na she’s a social climber, dumidikit lang po sa amin kasi may pangalan kami.

 

 

     “So eventually, she will get projects din, posting. Kasi, she’s an influencer rin. She’s hanging-out with us and it got worse kasi, we found out na nagnanakaw na rin siya ng pera.

 

 

     “There was one time na I have money in my room and biglang nawala yung pera. It so happened na she’s the only one who went inside the room. And we found out na she’s been stealing with other friends as well. So I guess, you can say that’s totally greed.”

 

 

Natuto naman daw siya after that na mas maging careful sa mga taong nakapaligid sa kanya at dapat pagkatiwalaan.

 

 

Ilang beses na rin daw na nasira ng ibang tao ang tiwala niya.

 

 

Sa Vivamax movie na Greed naman, malayo raw ito sa totoong buhay dahil sa movie, tumaya sila sa lotto ng husband niya rito na si Diego Loyzaga at do’n lumabas ang aspeto ng pagiging greedy.

 

 

“Sa totoong buhay po kasi, hindi po ako nagsusugal talaga,” sey ni Nadine na kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe kasama ang French boyfriend na si Christopher Bariou.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

    Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.     “Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng […]

  • After seven years, nagbabalik sa first solo tour: BEYONCE KNOWLES, tinatantiya na kikita ng higit sa $2 billion

    HINAHANGAAN ni Glaiza De Castro ang kanyang kaibigang si Angelica Panganiban sa pagiging totoo nito.     Kahit daw mataray ang tingin ng ibang tao, ‘yun daw ang pagiging totoong tao nito.     “Kaya rin kami naging friends ni Angelica dahil nakita ko sa kanya ‘yung sincerity, na kung ano ‘yung nasa isip niya […]

  • Active COVID-19 cases sa bansa, maaaring pumalo sa 525,000

    SINABI ng Malakanyang na maaaring pumalo sa 525,000 ang active COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Setyembre kung hindi inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.   Ang babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ilagay sa ilalim ng ECQ, strictest […]