HINDI pa pala masisimulan ang movie na pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo.
- Published on January 8, 2022
- by @peoplesbalita
Inaayos pa raw ang final schedule. At dahil galing abroad si Alden, he needs to stay in quarantine for 14 days to be sure dahil may bagong Covid-19 variant na naman.
Pero nag-uusap na raw ang Viva at ang GMA para sa gagawin teleserye ni Bea. Kailangan daw mag-coordinate sa schedule para sa gagawin na teleserye.
Sabi ng mga detractors ni Bea, lumamlam daw ang career nito since lumipat sa GMA. Wala pa kasi nasimulan na project ang aktres eh noong July 2021 pa siya pumirma sa Kapuso network.
Gusto lang siguro makatiyak ng management team ni Bea na maging maayos lahat ng requirements sa movie with Alden at TV series para pag nagsimula ang trabaho ay wala nang aberya.
***
DAHIL election, nariyan na naman ang mga politiko, datihan man o baguhan ang lumalapit sa entertainment press para humingi ng suporta. Pero ilang beses na namin naranasan na kilala lang ng mga politiko ang entertainment press sa panahon ng kampanya.
Iilan lang sa mga politiko na humingi ng suporta sa entertainment media ang nakaalaalang bumalik at magpasalamat sa tulong. Noong panahon ng pandemya, iilan sa mga politician ang dumamay sa mga members ng entertainment media who were also affected by the pandemic.
We are hoping na Kapamilya sectoral party-list, na ang isa sa nominees ay ang dating ABS-CBN writer na si Jerry Gracio, ay magiging kakampi ng media workers if ever palarin silang manalo sa election.
Ang KAPAMILYA ay sectoral party-list ng formal at informal labor, kasama ang mga manggagawa sa media.
Itinatag ito ng labor union leaders, marginalized sector representatives, creatives, at media workers.
Lumalahok ang KAPAMILYA Party-list sa eleksyon para magkaroon ng dagdag na representasyon ang mga manggagawa para mabalik ang—sa aming paniniwala—ay orihinal na intensiyon sa 1987 Constitution: Ang representasyon ng sektor na underrepresented at marginalized sa Kongreso.
Kabilang sa core legislative agenda ng Kapamilya ay job and income security – sapat na trabaho at sahod na nakabubuhay; food security – pagkain sa bawat mesa; worker’s health o kalusugan ng manggagawa; social and economic protection for media and entertainment workers, creatives and content creators – para matiyak ang ganap na kalayaan sa pamamahayag.
Itataguyod ng Kapamilya ang malayang pamamahayag. Isusulong ng Kapamilya hindi lang ang prangkisa ng ABS-CBN, kundi ang pagbibigay ng prangkisa sa iba pang estasyon o network, lalo na ‘yung nasa rehiyon, sa interes ng malayang pamamahayag, at sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon at aliwan.
Media Workers’ Safety Standards. Gamit ang best practices ng mga kompanya ng broadcast media at entertainment sa kasalukuyan, isusulong ng KAPAMILYA ang kagalingan at kaligtasan ng media workers, kasama ang oras sa trabaho, suweldo, benepisyo, at job security, gaya ng iba pang manggagawa sa ibang industriya. Isusulong din ng Kapamilya ang social at economic protection para sa independent media workers, creatives, at content creators.
Dalawa lang ito sa adhikain na nais isulong ng Kapamilya Partylist. We are hoping na sila ay manalo para magkaroon ng boses sa Kongreso ang mga grupong totoong marginalized at hindi extension ng kilalang political parties.
(Ricky Calderon)
-
MICHAEL B. JORDAN STARS & MAKES HIS DIRECTORIAL DEBUT IN “CREED III”
IN Warner Bros. Pictures’ action-packed boxing movie “Creed III,” Adonis Creed is brought to life for the third time by star Michael B. Jordan, who stepped behind the camera to direct and produce the film. Watch the film’s “A Look Inside” featurette at https://youtu.be/TocnJkJtTwU Watch the film’s “Extended Big Game Spot” at https://youtu.be/7hTPZtcQLnY […]
-
Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna
PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon. Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na […]
-
Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw
HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila. Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]