• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa rin makapaniwalang may wax figure na: ANNE, kahilera nina BRAD at ANGELINA sa Glamor Zone ng ‘Madam Tussauds Hong Kong’

HINDI pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis sa bagong milestone sa kanyang career, matapos na i-unveil ang kanyang wax figure sa Madam Tussauds Hong Kong, na magsisimula nang makita ng kanyang fans sa December 9.

 

 

“I’m truly honored to be celebrating this moment, being immortalized by Madame Tussauds Hong Kong.

 

 

“Sobrang hindi ako makapaniwala na I was given this opportunity,” pahayag ni Anne sa isang interview ng ABS-CBN.

 

Sa wax figure ni Anne, kuhang-kuhang ang bawat detalye tulad ng kanyang nunal, makikitang binihisan elegant white gown at may hawak na microphone.

 

“Ganun din ako, sobrang tulala in disbelief,” kuwento pa niya.

 

“Parang ganito pala feeling na meron kang kakambal. Pati ilong, nunal, na-amaze ako kasi alam ko ‘yung process. Akala ko parang mummy na hihiga ka, pero hindi pala. Tumayo lang ako. I’m so amazed how precise! Kalokalike ko talaga!”

 

Gumawa rin ng history si Anne, dahil siya ang first Filipina actress and TV host na may wax figure naka-display sa prestigious Glamour Zone ng museum, na kung saan kahilera niya ang ang Hollywood A-listers tulad nina Brad Pitt at Angelina Jolie.

 

“It’s an honor for me to be the first Filipina actress and TV host to be featured.

 

“I’m even more proud because I’m representing the Philippines alongside my fellow Filipinos like Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, and Lea Salonga. This is a huge honor for me,” masayang tugon pa niya.

 

Excited din si Anne na ipakita ang naturang wax figure sa kanyang daughter na si Dahlia Amélie at may naisio na siya kung paano ito gagawin.

 

“Ang plano ko, mag-Hong Kong kami. Tapos hindi ko sasabihin sa kanya.

 

“Tingin-tingin doon para maka… you know, she might have to take a double look,” natatawa pang pagbabahagi ni Anne.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Carandang lipat BanKo Perlas

    SA BanKo Perlas Spikers ng Premier Volleyball League (PVL) sa darating na Mayo na hahambalos si Czarina Carandang, inanunsyo ng koponan nitong isang araw lang.     Huling humataw para sa Far Eastern University Lady Tamaraws sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20, at sa PLDT Home Fibr Power Hitters sa 6th-7th […]

  • US inaprubahan na ang $100-M missile upgrades ng Taiwan

    INAPRUBAHAN ng US ang $100-milyon na missile upgrades sa Taiwan.     Ayon sa Pentagon na ang nasabing pag-upgrade ng Patriot missile defense system ng Taiwan ay malaking tulong lalo na ang pagtanggol nila kanilang teritoryo na balak na lusubin ng China.     Ikinagalit naman ng China ang nasabing pagtulong ng US sa Taiwan. […]

  • ‘Poblacion girl’ hindi idedeklarang persona non grata ng Makati City – Mayor Binay

    Tumanggi ang Makati City na ideklarang persona non grata si Gwyneth Anne Chua, ang Pilipinang tumakas sa kanyang quarantine at nakahawa sa marami sa kanyang mga nakahalubilo.     Sa halip ay hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga business establishments at mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na ireklamo si Chua matapos itong tumakas […]