Hindi pagibibigay ng 13th month pay, insulto
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
INSULTO at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang hindi pagbibigay ng 13th month pay, ayon sa Caritas Philippines.
Ito ang binigyan diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo National director ng Caritas Philippines hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng dapat na benepisyo sa mga kawani na nasaad din sa saligang batas ng Pilipinas.
Ayon sa obispo, hindi maikakaila na mas labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya ang mga manggagawang Filipino na ang ilan ay hindi pa rin nakakapasok o tuluyan ng walang papasukang trabaho.
Una na ng inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mungkahing ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga small and medium enterprises dahil sa epekto ng krisis sa maliit na mamumuhunan.
Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang pagbibigay ng suporta sa mga kawani upang ipanawagan ang pagtutol na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay.
Tinatayang nasa dalawang milyong manggagawa ang maaring hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay ngayong taon dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya base na rin sa pag-aaral ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP). (Gene Adusara)
-
Ads April 16, 2022
-
Ads February 4, 2023
-
Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant
KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon. Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi […]