• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi paplanuhin kung kakandidato: VICE GANDA, patuloy na nililigawan na pasukin ang pulitika

ISA si Vice Ganda sa mga nililigawan ng mga political parties para tumakbo sa darating na mid term elections.

 

Pero wala ni isang pinagbigyan ang main host ng “It’s Showtime”. Sa isang interview kay Vice ay nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin.

 

“Parang hindi ko siya mapaghahandaan. Parang sabi nga nila, calling. Kapag naramdaman mo, naramdaman mo. Ni hindi ko nga siya paplanuhin.

 

“Kaya kapag may nagtatanong nga sa akin ‘di ba, niloloko ko. Sabi ko, ‘ayaw ko niyan ang baba (ng posisyon). Gusto ko presidente agad!’” patawang banggit ng premyadong TV host.
Dagdag pa ni Vice na oras na dumating na raw yung panahong kakandidato siya dapat daw ay hindi siya mangangampanya.

 

Hindi rin daw maglalabas ng kadatungan ang komedyante para lang mananalo na lalakaran ngayon ng mga pulitiko.

 

Dito nga sa Maynila ay limang libo ang pinamimigay ng isang pulitiko sa mga kinukuhang mga taga suporta ng kandidatura niya.

 

Kung anik-anik mga pangako pang binitawan ng mga ito.

 

Kasabay pa ng mga ginagawang paninira sa kalaban, huh!

 

 

Ang mga ganyang gawain ay hindi pagpalain ng ating Panginoon.

 

Back to Vice Ganda, never daw siyang gagastos just in case matutuloy na siya sa pagkakandidato.

 

Katwiran pa ni Vice na pinaghirapan daw kasi niya ang lahat ng kinita sa showbiz so bakit pa niya ipapamigay para lang mananalo.

 

“Hindi ako mangangampanya. Magpa-file ako ng candidacy tapos gagawa akong vlog. ‘Tatakbo po ako ito po ‘yung mga plataporma ko. Kung bet n’yo kong iboto, go. Kung hindi, okay lang din.’ Pero joke lang ‘yun,” napatawang banggit pa ni Vice Ganda.

 

Pero sa totoo lang daw, hindi pa niya talaga nai-imagine ang sarili na nasa politika pero ayaw din niyang magsalita nang tapos dahil baka kainin lang niya ang kanyang sinabi.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Terorismo sa Pinas, bumaba na

    IPINAGMALAKI  ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon.       Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]

  • Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion

    NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang  “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang  financing requirement nito.     Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).     Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]

  • Pamahalaan, patuloy na mino-monitor ang mga dumating na Chinese nationals sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 19

    PATULOY  raw na mino-monitor ng pamahalaan ang mga Chinese nationals na dumating sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Ayon sa Burea of Quarantine, dahil na rin sa patuloy na pagpapaigting ng border control ng Pilipinas, nakapagtala sila ng ilang mga Chinese nationals na nag-positibo sa nakamamatay na virus.     […]