Pagbibigay ng dagdag na P200 na ayuda, target na maibibigay ngayong buwan- Malakanyang
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na maibigay ngayong buwan ng Marso sa 12 milyong indibidwal ang karagdagang P200 cash assistance.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar, ibibigay ito sa bottom 50% na mahihirap na mga household na aniyay aabot sa 4.2 million households.
Siniguro ni Andanar, may available ng pondo para sa dagdag ayuda na una ng iniulat ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Pangulo na aabot sa 33. 1 billion pesos.
Ang dagdag na 2 daang piso ay bukod sa dati ng 500 pesos monthly na tinatanggap ng mga benepisaryo ng pantawid pamilya program.
Lalabas na mula sa anim na libo kada taon na nakukuha mula sa pantawid pamilya program, madaragdagan pa ito ng 2, 400 kaya’t suma’t total, aabot na sa 8, 400 annually ang maipagkakaloob na cash assistance ng pamahalaan.
Samantala, binatikos ng ilang personalidad ang desisyon ng gobyernong bigyan na lang ng P200 buwanang ayuda ang mga mahihirap imbes na suspendehin ang excise tax, sa harap ng patuloy na pagmahal ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng progresibong grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), “pittance” o masyadong maliit at hindi sapat ang buwanang ayuda — na matatanggap sa loob ng 1 taon — ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Reyes na “out of touch” o tila hindi batid ng gobyerno ni Pangulong Duterte at ng economic managers nito ang pinagdadaanan ng mga mahihirap.
Tinawag ding “pittance” ni Sen. Grace Poe ang P200 kada buwan na ayuda at sinabing hindi dapat magtipid ang gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na sana’y pag-isipan ulit ang panukalang pagsuspende sa excise tax, na sinasabing makapagpapababa ng presyo ng petrolyo sa bansa.
Kung hindi man masuspinde ang buwis, sana’y taasan ang halaga ng buwanang ayuda, dagdag ng mambabatas. (Daris Jose)
-
VaxCertPH puwedeng magamit sa 39 bansa
KINIKILALA ng 39 bansa ang vaccination certificate ng Pilipinas, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT). Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na naglabas ang gobyerno ng bagong bersiyon ng vaccination certificate o VaxCertPH dahil dinagdagan ang security features at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots. […]
-
‘Emergency sa bigas’ nakaamba
MAY sapat na datos at katwiran para magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng Food Security Emergency on Rice. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang tsansa na maaprubahan ng National Price Coordinating Council ang rekomendasyon na magdeklara ng emergency sa bigas. Dagdag pa ni Tiu Laurel na […]
-
Damang-dama pa rin ang pagtatangap sa kanila: JOLINA, aminadong kinikilig pa rin sa loveteam nila ni MARVIN
SA halos tatlong dekada na nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa showbiz, natanong ang actress/singer/TV host kung bakit hanggang ngayon ay damang-dama pa rin ang init ng pagmamahal ng publiko sa tandem nilang MarJo? “Ako siguro dahil hindi namin binitiwan yung mga nagsu-support sa amin, yung mga nagmamahal sa amin,” sambit niya. “Na talaga namang […]