• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pinakanta sa videoke, napraning, kelot nanaga ng kapitbahay sa Malabon

ISINELDA ang 45-anyos na karpintero matapos tangkain tagain sa ulo ang kanyang kapitbahay makaraang magalit nang hindi pinagbigyan na kantahin sa videoke ang paborito niyang kanta sa Malabon City.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben, kasama ng biktimang si alyas “Michael”, 42,  ang kanyang mga kaanak na nag-iinuman at nagkakantahan sa kanilang lugar sa No. 3 White Lily St. Araneta Village, Brgy. Potrero nang dumating ang suspek na si alyas “Reynaldo”, dakong alas-9:30 ng gabi at humirit na kantahin niya ang paborito niyang kanta.

 

 

Gayunman, hindi pinagbigyan ng biktima ang hiling ng kapitbahay na naging dahilan upang magalit ito saka umalis at nang bumalik ay may bitbit na ang suspek na isang jungle bolo at agad pinuntiryang tagain sa ulo si ‘Michael’ na nagawa namang makailag.

 

 

Nagtatakbo ang biktima at humingi ng tulong kina Dionisio Soriano at Estevan Arevalo, kapwa tanod ng Brgy. Potrero, P/SSg. Emerson Pedrasta at Pat. Jeffrey Baluyan ng Malabon Police Sub-Station 1 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakuha sa kanya ang ginamit na itak sa pananaga.

 

 

Kasong frustrated murder ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • BIYUDA NI KOBE BRYANT, DUROG ANG PUSO

    NADUDUROG ngayon ang puso ng biyuda ni NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa matapos malaman ang report na may mga deputy na nagpapakalat ng mga larawan sa pinangyarihan ng helicopter crash kung saan nasawi ang kanyang mister at 13-year old nilang anak na si Gianna, at pitong iba pa.   Pahayag ito ng abugado […]

  • Ekonomiya ng Pinas, “performed well” ngayong taon ng 2023 — NEDA

    IPINAGMALAKI ng Malakanyang na nagpakitang-gilas ang ekonomiya ng PIlipinas ngayong taon sa gitna ng mga hamon na nararanasan ng bansa.           Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Pilipinas ay isa sa “best performing economies” sa Southeast Asian economies.           […]

  • Pahayag ukol sa transport strike: Factual, hindi red tagging -VP Duterte

    NILINAW ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na ang kanyang mga sinabi ukol sa week-long transport strike bilang “communist-inspired” at isang “painful interference” ay pagsasabi lamang ng katotohanan at hindi red tagging.     Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos na tuligsain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France […]