HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok.
Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na alas 4 ng umaga pa lang ay kailangan nang mag-abang ng masasakyan dahil sa hirap nga sumakay. Kung mamarapatin po sana ng mga Mayor ng NCR na gawin hanggang 4 AM na lamang ang curfew para sa mga pasahero na maaga ang pasok sa trabaho.
Marahil ang isang oras na ito ay hindi naman pagmumulan ng maraming hawaan, bagkus ay malaking bagay ito dahil hindi maiipon sa lansangan ang mga pasahero at hindi nga sila magkakasabay-sabay sa lansangan. Oo at maari naman na ma-exempt sila kung may ID o pass pero abala pa yan sa pagsisita ng kapulisan. Ang kailangan ay hindi magtagal ang pasahero sa kalye sa pag-aabang ng masasakyan. Dito kasi nawawala ang social distance lalo na ksoag nagagawan ng masasakyan.
Ang mungkahi rin ng LCSP ay i-enganyo na mag carpooling ang mga tao.
At kung mag-aambag man sa pang-gasolina ang mga isasakay ng mga nagmagandang loob na mga may-ari ng sasakyan ay huwag naman hulihin dahil sa pagturing na nangongolorum sila. Marami ang tunay na colorum na talagang gawang iligal at hindi mahuli-huli dahil sa may mga timbre sila at lagay sa mga swapang at corrupt. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Toll holidays sa SLEX at ibang tollways
MAGBIBIGAY ng toll holidays ang San Miguel Infrastructure sa South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skyway, Ninoy Aquino International Airport Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway ngayon Christams at New Year Holidays. Ayon kay SMC president Ramon Ang, ang toll holiday ay ipapatupad sa Dec. 24 simula 10:00 ng gabi hanggang […]
-
Ads April 15, 2023
-
Muling pagbubukas ng ekonomiya, mapakikinabangan ng domestic inflation -NEDA
MAPAKIKINABANGAN ng domestic inflation rate ang katiyakan na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa dahil babagal ito ng 3% ngayong Enero 2022. “The sustained deceleration of domestic rate of price increases in January, from month ago’s 3.2 percent, is among the positive economic developments in the domestic economy to date,” ayon […]