Hirit na P15 na taas sa pamasahe sa dyip, pinag-aaralan na ng LTFRB
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
PINAG-AARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P15 na taas na pamasahe sa dyip.
Inamin ng ahensiya na humaharap ang mga tsuper at operators ng dyip sa mga hamon dahil sa pagsirit ng presyo ng langis at mataas na cost of living o antas ng pamumuhay.
Kaya’t masinsinan aniyang pinag-aaralan ng LTFRB ang petisyon at ikinokonsidera ang lahat ng mga kaugnay na factors gaya ng trends ng presyo ng langis, inflation rates at ang kabuuang economic impact sa mga mananakay.
Gayundin, ikinokonsidera ng ahensiya ang posibleng magiging epekto ng hirit na minimum fare hike sa dyip sa panig ng mga mananakay.
Tiniyak naman ng ahensiya sa lahat ng stakeholders nito na magsasagawa ang board ng public hearings at mga konsultasyon para matiyak ang transparency at inclusivity sa proseso ng pagpapasya sa naturang usapin.
Sa kasalukuyan, ang minimum fare sa mga dyip ay nasa P13. (Daris Jose)
-
Ads October 4, 2024
-
PH vaccination hindi maapektuhan ng paghinto sa pagbabakuna ng AstraZeneca: DOH
Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi maapektuhan ng paghinto sa pagbabakuna ng AstraZeneca ang vaccination program ng Pilipinas laban sa COVID-19. “I don’t think so,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire nang tanungin sa isang media forum. Nitong Huwebes nang ipahinto ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) […]
-
Malakanyang, bukas sa “Designated Survivor” bill ni Senador Lacson
BUKAS ang Malakanyang sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na magtalaga ng magiging successor sakali at ang apat na matataas na lider ng Philippine government ay mapahamak o mamatay dahil sa “exceptional circumstances” such as terrorist attacks. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang isinampang “Designated Survivor” bill ni Senador Panfilo Lacson ay “scenario that […]