Hirit ng netizens, makatagpo na sana ng kanyang ‘Captain Ri’: KC, nagpunta rin sa famous location ng ‘Crash Landing On You’ sa Switzerland
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
ANG sarap talagang ulit-ulitin ang short video sa IG post ni KC Concepcion na kung saan makikita ang mga magagandang lugar na kanyang pinuntahan.
Say ni KC, “Alam ko mahilig ang mga Pinoy sa malamig na lugar pag nagtatravel pero gandang ganda ako sa Europe pag summer Lumalabas lahat ng color~ feel na feel ko talaga ung greens and blues ng Mother Nature (nakaka @wwfphilippines
dibaaa?!)
“And… May snow parin ang mga Swiss Alps kahit tanghaling tapat!!! Heat wave pa dito!! Paano??
”
Ilang araw, nag-post uli si KC na tila may hugot sa kanyang pagbisita sa very famous at dream destination lalo na ng mga Pinoy, ang naging location ng ‘Crash Landing On You’ na matatagpuan sa Lake Brienz, Switzerland.
After niyang um-attend sa wedding ng kanyang half-sister na Cloie Syquia sa Sweden, sa Switzerland ang next destination ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Kasama rin ng short video at nilagyan niya ng caption na pinakita niya ang nakabibighaning lugar, “ang buhay ay sadyang ganyan umaaraw. umuulan.”
Kasama ang mga hashtags na:
#crashlandingonyou #cloy #lakebrienz #strandhotel #sigriswilpanoramabridge #iseltwald #schweiz #europeansummer #europe #europeanstyle #swiss #summer #filmset #grindelwald #jungfrau #rainyday #travel #switzerland”
Tuwang-tuwa nga ang mga netizens sa mga places na pinuntahan ni KC, pero parang ‘yun iba ay nag-comment ng kanilang mga hugot o wish para kay KC…
“#CLOY May you find your Captain Ri near the Lake.”
“Kamusta na KC Concepcion miss you na. Sana mag asawa ka na please
“Hopefully kasama na niya ang future husband niya katabi na niya ngaun…”
Aliw na aliw na naman ang mga marites sa pinaggagawa ni KC, na true lang carry na talaga na niya magpabongga, kahit saan niya gustong mag-travel, magagawa niya. Kaya say nila:
“From Sweden to Switzerland grabe dami pera talaga ni KC.”
“Ang sarap ng buhay ni KC parang puro travel nalang ginagawa nya sa buhay.”
“Swerte no? may mayamang pamilya, sunod sa luho, nakapagtapos sa ibang bansa. travel travel kahit hindi kumayod ng bongga. iba si ate mo sana all na lang talaga.”
“ang bongga kasi isang buwan na sya jan (Sweden Switzerland combination)”
Paliwanag ng iba pa:
“Pag nsa EU, susulitin mo mga kalapit country ksi mostly by train lang nsa kabilang ibayo ka na hehe, sayang naman ung jetlag kung sweden lang sya pupunta.”
“True! Pwede daw lakbayin by train or car at nasa another country sabi lang sa akin.”
“KC is not an ordinary person like you who has no idea how to earn money without working like a carabao. It’s called passive income. KC has been financially independent after college. Siguradong maraming financial and business investments yan. And this is something you have no knowledge about.”
“maliit pa lang si KC ang dami na n’yang endorsement. Oo mayaman si mega pero hindi dependent si KC kay Sharon.”
“may point ka naman talaga, sabi ni sharon sa vlog nya lahat ng kinita ni kc sa endorsement mula baby pa sya binagko ni sharon, yung iba ininvest sa real estate yung iba sa mga stocks at nung nasa 20s na si kc lahat yung binigay nya kay kc.”
“Favorite apo yan ng Mamita nya. Lolo nya matagal naging mayor ng Pasay. She probably got her inheritance from grand parents and not Sharon.”
“I’m watch vlogs ni kc kanina, nung nasa LA sya nag hire sya ng driver ang bongga tapos she hired Hollywood’s stylist then nag shopping ng expensive clothes para um attend ng hbo premiere bumili sya ng furniture for her apartment, tumira ng 8 months sa LA ang bongga talaga.”
Pero pati yun ginamit na quote ni KC sa post ay binigyan ng kahulugan ng ilang netizens:
“She quoted a song of Rivermaya – umaaraw umuulan. does she miss Rico Blanco?”
“Oo nga! Si Rico ata ang TOTGA niya.”
“Siguradong hindi niya iniisip si Rico noong sinabi niya iyon dahil ordinary quote lang naman iyon ng kahit sino.”
(ROHN ROMULO)
-
Posibleng paghihigpit sa pagpapauwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week
NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa ibat-ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na […]
-
BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante sa Delpan Bridge sa Maynila. Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman nakipag-ugnayan pa ang coast […]
-
KRIS, sinagot ang speculation ng netizen na si HERBERT ang tinutukoy sa latest post; JOSH at BIMBY bumati ng ‘Happy Father’s Day’
SA latest Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, muli siyang nag-update regarding sa kanyang health. Ayon sa mommy nina Josh at Bimby, inulit ang ECLIA (Enhanced Chemiluminiscence Immunoassay) antibody test niya after na magpaturok ng COVID-19 vaccine. “Jessica, not Patricia came back to repeat my ECLIA test… I […]