Hirit sa Kongreso na P2 bilyong pisong supplemental budget para sa DoH
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi naman ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng Department of Health na dalawang bilyong pisong supplemental budget para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19.
Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito na hindi pa rin natitigil ang pagkalat ng COVID-19 at mahigpit ang panga-ngailangang ma contain ang virus.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na sa ganitong emergency situation at hindi naman talaga pangkaraniwan ang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para pigilan ang COVID- 19, hindi mag-aatubili ang mga mambabatas na aprubahan ang pagpasa ng hinihinging supplemental budget.
Kaya nga, naniniwala si Sec. Panelo na hindi na kailangan pang susugan ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas para lamang ipasa ang hinihinging supplemental budget, dahil may kusa naman ang mga ito para sa mga dapat nilang gawin lalo na sa panahon ng emergency.
Sa kabilang dako, gaya ng nauna nang ginawang hakbang ng gobyerno sa mga Pilipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship, handa rin ang pamahalaan na ipatupad ang katulad na health safety protocol sa mahigit 500 Pilipinong sakay ng isa na namang cruise ship na hinold sa California dahil sa COVID- 19.
Ani Sec. Panelo na makabu-buting hintayin na muna ang development hinggil dito, dahil sa ngayon ay wala pa namang request para sila ma repatriate o mapabalik dito sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA
WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may […]
-
Samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at San Miguel, nanatiling matibay
HINDI na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” Marcelo ang pagbabago ng kumpanyang gumagawa ng paborito nyang beer. Ngunit ayon sa anak niyang si Gerard ay matutuwa ito kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan. “He would have loved to meet Mr. Ramon […]
-
JOMARI, umaming si ABBY ang ‘lucky charm’ at maraming naiturong tama sa buhay niya
NATANONG si Jomari Yllana na muling tatakbo para sa ikatlong termino bilang Konsehal ng 1st District ng Paranaque, tungkol sa patuloy na pangmamaliit sa mga artistang gustong maging public servant. Kuwento ni Joms, “Bata pa lang ako naririnig ko na ‘yan, ‘artista lang ‘yan!’ Actually, noong panahon ng Guwapings pa lang, naaalala ko […]