Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo 28, 2022 kaalinsabay ng ‘Palatuntunang Pang-Alaala para sa Pambansang Araw Ng Watawat.
Pinangunahan nina Gob. Daniel R. Fernando at bagong halal na Bise Gob. Alexis C. Castro ang paggugupit ng laso para sa pagtunghay sa eksibit patungkol sa nasabing 50 ginintuang anibersaryo ng nasabing gusali na tinaguriang sentro ng kasaysayan, sining, kultura at turismo na nasa bakuran ng Kapitolyo.
Sinundan ito ng pagpapalabas ng SINEliksik Bulacan Docu Special na “Ako ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center” kung saan idinetalye dito ang kasaysayan ng nasabing establisyimento partikular na ang arkitektura at istruktura nito na itinayo sa bahagi ng 22 ektaryang lupain na tinatawag ngayon na Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound.
Ayon sa Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office (PHACTO), pinasinayaan ito noong Agosto 30, 1971 na may dalawang palapag na pinasimulan at idinisenyo ni Arkitekto Dominador Jimenez at ipinatupad ni Arkitekto Leonides Manahan.
May istilong ‘brutalist’, kabilang sa mga anyo nito ay ang 25 pahabang bintana na may nakalitaw na biga, mga adobeng materyales na nakakabit sa pader, malalaki at kakaibang uka at marami pang iba.
Bilang simbulo sa bayanihan, ipinakita sa nasabing dokyu ang iskultura ng Inang Bayan na nakatindig sa harapan ng nabanggit na gusali, nasa unang palapag nito ang main lobby, ang Exhibition Hall na hinalaw ang pangalan mula sa Pambansang Alagad ng Sining sa Iskultura na si Guillermo Tolentino, ang Hiyas ng Bulacan Museum na nagtatampok sa mayamang sining, kalinangan at kasaysayan ng Bulacan, Panlalawigang Aklatan na naglalaman ng mga bibihirang kopya ng mga reperensiya tungkol sa Filipiniana o Kasaysayan ng Pilipinas, ang PHACTO at ang Bulacan Tourism Information Center.
Matatagpuan naman sa ikalawang palapag ang auditorium na hinalaw ang pangalan mula sa isang sikat na kumpositor ng Kundiman na si Nicanor Abelardo, tubong San Miguel.
Samantala, inilunsad at ipinalabas din ang “Pasyal Kultura sa Bulacan” Web Magazine at SHINE Bulacan Web Magazine.
“Mabuhay ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center! Tunay na napakabilis ng panahon at ngayon ay ipinagdiriwang na natin ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center na naging saksi sa makulay na sining, kultura, turismo at kasaysayan ng lalawigan. Nais ko rin pong bigyang pugay ang paglulunsad ng SHINE Bulacan Project o ang Sustainable Heritage Imbibing Nationalism through Ecotourism na naging katuwang ng probinsiya sa pagpapalakas ng turismo sa pangunguna ng Commission on Higher Education o CHED sa pakikiisa ng Department of Education at Bulacan State University,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Pacquiao nasa huling linggo na ng training camp sa Hollywood, California
Nasa huling linggo na ng kanyang training camp si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, bago ang big fight sa August 22. Aminado ang Hall of Famer coach na si Freddie Roach na hindi na siya nagulat na sa ead na 42-anyos ngayon ng Pinoy ring icon, ito pa rin […]
-
Lakers umaasang babalik na sa game si Davis bagong matapos ang buwan ng Enero
UMAASA naman ang Los Angeles Lakers na makakabalik na rin sa team ang kanilang big man na si Anthony Davis bago matapos ang buwang ito dahil sa injury sa kanyang kaliwang paa. Sa susunod na linggo ay muling sasailalim sa evaluation ng mga doktor. Sa ngayon umaabot na sa 12 games […]
-
MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD
NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas. Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya. Una nang sinabi ni Dizon […]