Holder ng 5, 10 years-valid na driver’s license kailangang sumailalim pa rin sa periodic medical exams – LTO
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
Kailangan pa rin sumailalim sa periodic medical exams ng mga holders ng driver’s license na mayroong lima o 10 taon na validity, ayon kay Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante.
Paraan na rin aniya ito upang sa gayon ay matiyak na fit to drive pa rin ang mga motorista makalipas ang ilang taon nang makuha nila ang kanilang driver’s license.
Kung ang hawak na lisensya ng isang motorista ay valid sa loob ng limang taon, ang best schedule aniya para sa medical exam ay tatlong taon matapos na makakuha ng lisensya.
Para naman sa 10 taon ang validity ng driver’s license, maariing gawin aniya ang medical exam sa 3rd, 5th, at 7th year.
Iginiit ni Galvante na ang pamamaraan na ito ay para na rin sa kaligtasan hindi lamang ng mga motorista kundi maging ang kanilang mga sakay na pasahero.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng opisina ng LTO sa buong bansa ay magsisimula nang magbigay ng lisensya na valid sa loob ng 10 taon simula sa Disyembre. (Gene Adsuara)
-
Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games
AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13. “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]
-
Confident na na-meet ang expectations sa kinalabasan ng ‘Start-Up PH’: BEA, very thankful and flattered sa mga papuri ni ALDEN
CONFIDENT si Alden Richards na na-meet ang expectations nila sa kinalabasan ng Philippine version ng Start-Up. Kahit daw hindi naman siya nakakapanood ng playback during the taping pero based sa trailer ng Start-Up ay they have a good show. “We have something that we are very proud of. Hindi naman natin […]
-
DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito. […]