• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.

 

“Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas na 5-4 at 30th Southeast Asian Games PH 2019 karate female +61 kilograms kumite gold medalist sa last trip para sa quadrennial sportsfest.

 

Sasailalim na ang anak ni Philippine Basketball Association (PBA) legeng Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training simula sa darating na January 4 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Nabatid naman kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim, kailangang mag-top three finish o manalo ng gold, silver o bronze medal ang dalagang karateka sa pinakamalaking laban sa kanyang sport career para makapag-Tokyo Olympics. (REC)

Other News
  • Sapilitang pagbabakuna sa mga manggagawa at may-ari ng tiangge workers, oks sa MM Mayors—Abalos

    NAGKAISA at pumayag ang mga National Capital Region (NCR) mayors na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge.   Ang katwiran ng mga ito ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors.     Ibig […]

  • Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid

    Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. […]

  • Welga ng PISTON at MANIBELA tuloy

    NATULOY kahapon, Lunes April 15 ang  welga ng grupo sa trans-portasyon na Piston at Manibela upang iprotesta ang nalalapit na deadline ngayon April 30 ng consolidation ng prangkisa ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.       Ayon ay President Ferdinand Marcos, Jr. at […]