Holistic anti-illegal drugs program ng gobyerno na BIDA, inilunsad
- Published on November 28, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang inilunsad ng gobyerno ang anti-illegal drugs advocacy program na tinawag na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).
Inilarawan ito bilang “pinaigting at mas holistic campaign.”
“The BIDA program will involve local government units, national government agencies, and other key sectors of society aside from drug enforcement agencies including the Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) and others in aiming for drug demand reduction and rehabilitation in communities,” ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Winika ni DILG Secretary Benhur Abalos na kailangang tugunan ang problema sa ilegal na droga mula sa ugat nito.
“Kung mayroon kang isang puno, [at] ang punong ito ay gusto mong tanggalin ang sanga, gusto mong tanggalin ang puno, putol ka nang putol ng sanga. Pero ang sanga, tubo nang tubo. Kung gusto mong tanggalin ang puno, ugatin mo, ugatin mo ‘yung puno,” ayon kay Abalos sa isinagawang national launch sa Quezon Memorial Circle.
“Ang problema ng droga ay parang ‘yung puno,” anito.
“Ang kapulisan natin, nandito mga generals, mga colonels, nandito PDEA, Dangerous Drugs Board, NBI, walang ginawa kundi manghuli nang manghuli. Makikita niyo, kaliwa’t kanan ang huli ever since. Pero anong nangyayari? May pumapalit lang kung minsan,” ang pahayag ni Abalos.
“Kaya ang kailangan natin dito, hindi lang ang panghuli ng ating mga kapulisan, PDEA, NBI. Tulungan ng buong bayan, ugatin natin ang problema,” aniya pa rin.
“Hindi natin puwedeng iasa na lamang sa Philippine National Police at sa Philippine Drug Enforcement Agency ang kampanya laban sa iligal na droga dahil lahat tayo ay apektado dito. Kailangang lahat tayo ay kumilos na at makiisa para tuldukan ang salot na patuloy na sumisira sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” ang nauna nang inihayag ng Kalihim.
Ani Abalos, ang BIDA program ay makikipagtulungan sa mga barangay, simbahan at religious communities, at mga pamilya para tugunan ang problema sa ilegal na droga at i-rehabilitate ang mga durugista.
“Andyan ang barangay. Andyan ang ating mga mahal na simbahan. Andyan ang pamilya. Kung ang problema, alam naman ng barangay kung sino ang gumagamit. Down to the grassroots. Sinong tumutulak, sinong nagtutulak, i-identify, pag-usapan. ‘Yung mga gumagamit, baguhin natin,” anito.
Tutulong din aniya Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health sa rehabilitation programs.
Tutulong naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbigay ng livelihood programs, habang ang Department of Labor and Employment ay tutulong naman sa paghahanap ng job opportunities.
Maaari namang magbigay ng ‘guidance’ o gabay ang mga church leaders.
“Andito ang DSWD, Department of Health for rehabilitation. Andito DTI — sa mga nagtutulak, magbago kayo. Tutulungan namin kayo sa bagong livelihood programs ninyo. Department of Labor — kung ang problema empleyo. And of course alam natin ito, spirituality. Kaya kailangan ng guidance,” ayon kay Abalos.
Tinuran ni Abalos na ang mga kabataan ang target ng illegal drugs peddlers.
“Let’s guide our children,” anito sabay sabing “Walang imposible. Gawin natin ito. Ang mga bata let’s involve them into sports, culture kung anong gusto nila, ibigay natin. Ngunit bigyan natin sila ng kumpiyansa to say no to drugs. Magtulungan tayo, please, let’s save our children. Let’s save everyone’s future.”
Aniya, ang BIDA program ay “will work within the framework of the law and with respect for human rights and with focus on rehabilitation and socio-economic development.”
Dahil dito, binalaan naman ni Abalos ang mga drug pushers.
“Magmula ngayon, sa mga nagtutulak, nandito ang kapulisan, mga general, at PDEA, gagawin namin ito: ipapakulong namin kayo.
Pupunuin natin ang kulungan ng mga nagtutulak na ‘yan. Aayusin natin at lilinisin natin ang sistema. ‘Yung tiwala ng mamamayan sa institution ay lalo nating paiigtingin. Trust in the institution. That’s very very important,” anito.
Samantala, ayon sa DILG, simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang tanggapan noong Hulyo, tinatayang pumalo na sa 22,646 drug personalities ang inaresto sa 18,505 anti-illegal drug operations na isinagawa ng PNP sa buong bansa.
Mayroon namang P9.7-bilyong halaga ng iba’t ibang ilegal na droga ang nakumpiska ng PNP sa panahon ng kanilang operasyon. (Daris Jose)
-
Pinakahihintay na wedding day ni KRIS, magaganap na ngayong Sabado at wala nang urungan
SA Sabado, September 25 na ang pinakahihintay na araw ni Kris Bernal, ang kanyang wedding day. So this time, mukhang wala nang urungan at wala na rin pagka-delay. Laman ng Instagram ni Kris ang mga ginagawang preparation for her wedding at very obvious ang excitement niya. Ni-reveal na rin niya ang designer […]
-
Tanong ng netizen, ‘Bahay nyo ni Belle?’: DONNY, nagpapatayo na ng ‘dream house’ sa edad na 24
SA Instagram post ni Donny Pangilinan, flinex niya ang pinatatayong dream house na may caption na, “Almost there!! 🙏🏼🏠 #casadonato.” Nakatutuwa at sobrang nakaka-inspire na sa edad niyang 24 at nagpapatayo na siya ng sariling bahay. Bakit nga ba hindi, maituturing nga na si Donny at ka-loveteam na Belle Mariano na […]
-
PBBM, naniniwalang walang dahilan para magtayo ang Pinas ng armory nito
WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magtayo ang Pilipinas ng armory nito. Para sa Chief Executive hindi palaging sagot ang “military solution” sa mga usapin. Sa isinagawang dayalogo kasama si World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa Davos, tinanong si Pangulong Marcos kung kinokonsidera nito na doblehin […]