• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holyfield piniling patok si Pacquiao kay McGregor

LIYAMADO para kay former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander Holyfield si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa Gitnang Silangan sa kasalukuyang taon.

 

Gayunman, klinaro nang 58-anyos na sa kasalukuyan, may  6-2 ½ ang taas na Amerikano at nagsabit ng gloves niya noong 2014, na maari rin namang magulat ang Pinoy ring icon sa sport niya, ng Irish mixed martial arts (MMA) superstar dahil sa lakas, puso, abilidad at palaban ito.

 

“McGregor’s strength is grabbing people and turning people and flipping people, where he had more things to think about. However, anybody who gets in the ring has some chance, I believe. You ain’t getting in the ring if you think you ain’t got a chance. And McGregor has some skills too,” paglalahad ni Holyfield sa pahayagang The Sun nitong isang araw.

 

Dinagdap pa ng tubong Alabama at pinagsama-samang kopoin noon ang mga titulo ng World Boxing Association (WBA), World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF),  “He has that heart to fight, heart of a fighter. He can fight so ain’t nobody just going to beat him up in no kind of way. Just like the boxers, he has the mentality of a fighter.”

 

Inabisuhan din ni Holyfield ang kanyang manok na handa niyang tulungan sa paghahanda kung naisin nito, na huwag makipagdikitan sa banatan kay Pacquiao. Dapat aniyang gamitin ang kalamangan sa haba ng mga braso ni McGregor sa mga atake sa Pambansang Kamao.

 

Makikipagtuos muna ang 32 taong-gulang na si McGregor kay UFC interim lightweight king Dustin Poirier ng Estados Unidos sa UFC 257 sa Enero 23 sa Abu Dhabi, UAE.

 

Inansunsiyo naman ni Pacquiao, 42 ang dalawang laban sa taong ito mula sa nakalipas taong pagkatengga dulot ng Covid-19.

 

Hanggang bukas po uli mga ka-Opensa Depensa. (REC)

Other News
  • MARIAN, ‘di sang-ayon sa humihikayat kay DINGDONG na tumakbong Senador; inactive ngayon sa social media accounts

    MARAMI raw ang humihikayat kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na kumandidatong Senador sa 2022 elections.     Kung matatandaan ay marami na ring humikayat kay Dingdong noong 2019 elections na kumandidato siya pero hindi napilit si Dingdong, although wala siyang ibinigay noon na dahilan kung bakit ayaw niya.     This time, totoo kayang […]

  • Magsasaka, magsasagawa ng sariling State of the Peasant Address (SOPA)

    TATAPATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at iba pang grupo mula sa agriculture at fisheries sector at food security advocates ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ng sarili nilang State of the Peasant Address o SOPA.     Ang SOPA ay taunang forum na ginagawa para ihayag ang sitwasyon, isyu […]

  • Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA

    KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).     Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero […]