HONEY LACUNA AT YUL SERVO, NAGHAIN NG COC BILANG MAYOR AT VICE MAYOR SA MANILA
- Published on October 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHAIN na ng kandidatura si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2022 election.
Kasama ni Lacuna ang kanyang running mate na si 3rd District Congressman Yul Servo Nieto sa paghahain ng kanilang kandidatura sa comelec kung saan kapwa sila tatakbo sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileño matapos ianunsiyo ang kanilang mga kasamahan sa Konseho at sa Kongreso.
Ayon kay Lacuna, inspirasyon nito ang kanyang ama na si dating Vice Mayor Danny Lacuna upang pasukin nito ang mundo ng politika.
Si Lacuna ang kauna-unahang babaeng Majority Floor Leader at Vice Mayor sa lungsod ng Maynila. Nagsilbi din siyang director ng Manila Department of Social Welfare mula 2013 hanggang 2015 at nakatatlong termino ito bilang GB Konsehal sa Distrito 4 mula 2004 hanggang 2013.
Tiniyak naman ni Lacuna sa mga Manilenyo na sa sandaling siya ang magwagi bilang susunod na alkalde ay ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang pagbabago at programa ni Moreno sa Maynila. Pinasalamatan din nito si Moreno dahil hindi umano siya binalewala nito at hinayaan na makilahok sa mga mahahalagang proyekto ng lungsod.
Kasama rito ang social amelioration program na lungsod na nagbibigay ng monthly allowances sa mga senior citizens, solo parents, estudyante at persons with disability.
“Mga batang Maynila, samahan po ninyo ako. Gumawa po tayo ng kasaysayan sa Lungsod ng Maynila. Bigyan natin ang kapitolyo ng ating bansa ng pinuno na may puso ng isang ina, pagmamalasakit ng isang doktora, kayang -kaya ko nang kayong pamunuan at paglingkuran” pahayag pa ni Lacuna.
Samantala, handa na rin umano si Nieto na harapin at tupdin ang responsibilidad ng ikalawang pinakamataas na pwesto sa lokal na pamahalaan matapos nitong pasukin ang pulitika taon 2007.
(GENE ADSUARA )
-
Ads July 22, 2022
-
Minimum wage sa NCR ‘di na sapat, regional wage boards kailangang mag-review na – Sec. Bello
NANINIWALA si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi na sumasapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng presyo sa mga produktong petrolyo at iba pang bilihin. Inihalimbawa ni Bello ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital […]
-
Valenzuela City magbibigay ng P 6-milyong tulong sa Rolly victims
Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng lingo. Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian na maglabas ng podo mula […]