Hontiveros: Lisensiya ng mga baril ni Quiboloy, bawiin!
- Published on April 17, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros nitong Lunes sa Philippine National Police (PNP) na bawiin at kanselahin ang lisensya ng mga baril ni pastor Apollo Quiboloy na tinawag ng senadora na isang pugante.
Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos kumalat online ang mga larawan at video ng kanyang sinasabing private army training with firearms.
“Quiboloy is armed and dangerous.
Buhay na buhay ang mga armadong sundalo niya na handang magpakamatay para sa kanya. The PNP should confiscate these firearms at once,” ani Hontiveros.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng PNP sa isang press conference na si Quiboloy, na nakapagrehistro ng hindi bababa sa 19 na baril, ay hindi maaaring ituring na “armed and dangerous” dahil wala siyang dating rekord ng karahasan o rekord ng pagtatrabaho sa mga pribadong armadong grupo.
“The PNP should do better. Alam na ng lahat sa social media na may private army siya, pero bakit parang nagbubulag-bulagan pa sila? Pugante na si Quiboloy kaya huwag na dapat mag-alangan ang PNP na bawiin ang mga armas niya,” ani Hontiveros.
Binigyang-diin din ni Hontiveros na dapat gawin ng PNP ang lahat ng pagsisikap para tuluyang maipit si Quiboloy, lalo na’t nahaharap na sa dalawang warrant of arrest ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ.
“I urge the new PNP chief, PGen Rommel Marbil, to step up. There could be a failure of intelligence if it takes this long to locate Quiboloy’s whereabouts. Dalawang warrants of arrest na ang na-issue pero di pa maaresto. Along with his private army, he is a threat to peace and order in the country,” ani Hontiveros. (Daris Jose)
-
“Accountability, openness” sigurado sa ilalim ng binagong IRR ng Maharlika
TITIYAKIN ng kamakailan lamang na ipinalabas na implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) na mayroong “accountability, openness, at efficacy” sa pagpapatupad ng batas. Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Maharlika Investment Corporation (MIC) […]
-
Contract packages ng Metro Manila subway nilagdaan
SINAKSIHAN ni President Ferdinand E. Marcos ang paglagda sa contract packages para sa pagtatayo ng Metro subway na siyang magiging isang solusyon sa nararanasang traffic ng mga mamayan sa Metro Manila. Sinabi President Marcos na ito na ang pagkakataon upang ang mga pamilya ay magkaron ng quality time dahil sa mababawasan na […]
-
Para iwas pila… NAVOTAS, ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMIT APPLICATION
HINIHIMOK ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga may-ari ng negosyo na samantalahin ang online business permit application at renewal system ng lungsod upang makatipid ng oras at maiwasan ang abala ng mahabang pila. “Less than 20 minutes, nakuha na po ng isang taxpayer ang kanyang business permit. Online na po ang ating […]