• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hot Shot star Marc Pingris magreretiro na sa PBA

Magreretiro na sa paglalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hot Shot player Marc Pingris.

 

 

Isinagawa nito ang anunsiyo sa sarili nitong social media account kung saan ikinuwento niya ang unang sabak niya sa PBA noong 16- taon na ang nakakaraan.

 

 

Hindi aniya nito malimutan ng tawagin ang kaniyang pangalan noong 2004 PBA Draft at doon natupad ang pangarap ng isang batang palengke.

 

 

Handa na umano itong simulan ang bagong chapter ng kaniyang buhay.

 

 

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga pamilya at mga fans na sumuporta sa kaniyang buong basketball career.

 

 

Unang napili ang 39-anyos na si Pingris sa FedEx Express noong 2004 at matapos ang isang taon ay lumipat siya ng Purefood kung saan naglaro siya mula 2005 hanggang 2008.

 

 

Lumipat ito sa Magnolia ng hanggang isang taon at matapos nito ay bumalik siya sa Purefoods.

 

 

Kabilang ito na nakakuha ng siyam na PBA titles kabilang ang kakaibang grand slam noong 2014 sa ilalim ni Tim Cone.

 

 

Dalawang beses nakuha ng tinaguriang “Pinoy Sakuragi” ang Finals MVP, tatlong beses na PBA Defensive of the Year awards at walong beses na miyembro ng PBA All-Defensive Team.

 

 

Naging bahagi ang tubong Pozorrubio, Pangasinan player ng Gilas Pilipinas na isa sa naging susi sa panalo laban sa South Korea noong 2013 FIBA Asia Championship.

Other News
  • Mga Pilipino sa Italy, nakisaya sa tagumpay ng national team sa EURO 2020

    Maging ang mga Pilipino ay nakikisaya sa naging panalo ng Italy laban sa England sa isinagawang EURO 2020.     Sa naging panayam kay Bombo International News Correspondent Annabel Quismorio Noble tubo ng Barangobong, Luna, La Union at naninirahan na sa Italy na maging sila ay masaya sa panalo ng Italy national team.     […]

  • COVID-19 vaccination para makakuha ng Christmas bonus, legal- Roque

    SINABI ng Malakanyang na “legal” kung ire-require ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado para makakuha ng kanilang Christmas bonus.   Tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang polisiya ng Cebu City government na magbibigay ng P20,000 Christmas bonus sa bawat empleyado gaya ng inanunsyo ni Acting Mayor Michael Rama, kung saan dapat lamang ay fully […]

  • Jake Paul inalok sina Smith at Rock ng tig-$15-M para magharap sa boxing ring

    INALOK ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring.     Kasunod ito sa kontrobersyal na pananampal ni Smith kay Rock sa Oscar’s Award nitong Lunes.     Sinabi ni Paul na mayroon siyang inilaan na $15 milyon sa bawat isa para matuloy lamang ang laban.   […]