• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hotshots diniskaril ang Tropang Giga

PINIGILAN ng Magnolia ang pagpasok ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa PBA Finals matapos agawin ang 105-97 panalo sa Game Five ng 2022 Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Kumamada si veteran guard Mark Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists para idikit ang Hotshots sa 2-3 sa kanilang best-of-seven wars ng Tropang Giga.

 

 

Nag-ambag sina Calvin Abueva, Paul Lee at Ian Sangalang ng tig-16 mar­kers para sa Magnolia.

 

 

“Ang maganda doon hindi sila sabay-sabay. Kapag pumutok kasi mahirap eh. Ma-limit lang namin ang isa sa kanila, may chance kaming manalo,” sabi ni Barroca kina Jayson Castro at Mikey Williams.

 

 

Tumapos si Castro na may 18 points at may 13 markers si Williams sa panig ng TNT.

 

 

Ang maliit na 28-26 lead sa first period ay pinalobo ng Hotshots sa 16-point lead, 51-35, mula sa basket ni Aris Dionisio sa 2:49 minuto ng second period.

 

 

Naputol ito ng Tropang Giga sa 92-95 sa likod nina Castro, Williams, Poy Erram at Glenn Khobuntin sa huling 3:59 minuto ng fourth quarter.

 

 

Huling nagbanta ang TNT sa 94-99 galing sa follow up ni Kelly Williams sa 2:47 minuto ng laro kasunod ang jumper at dalawang free throws ni Lee para muling ilayo ang Magnolia sa 103-94 sa 2:04 minuto nito.

 

 

Samantala, lumapit ang San Miguel sa finals berth matapos pabagsakin ang Meralco, 89-78, para angkinin ang 3-2 lead tampok ang 25 points ni CJ Perez.

 

 

Iniskor naman ni Rodney Brondial ang kabuuan niyang limang puntos sa dulo ng fourth period kasama ang krusyal na jumper para sa 84-76 paglayo ng Beermen sa Bolts sa huling 1:01 minuto.

Other News
  • Sa isinusulong na vegetable gardening… Land-use conversion dapat itigil

    SA muling pagsusulong ni Senadora Cynthia Villar ng vegetable gardening bilang solusyon sa food crisis, dapat ipatigil ng bagong administrasyon ang conversion ng sakahang lupa sa subdivisions o commercial areas.     Ayon sa Anakpawis Party-list at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), karamihan sa mga nasabing lupa ay ginagamit bilang taniman ng bigas tuwing tag-ulan […]

  • JOB WELL DONE

    Governor Daniel R. Fernando awards the certificate of commendation and appreciation to Malolos City Police headed by PMAJ Erickson Miranda during the Monday Flag Ceremony held at Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan for capturing the Top 1 Most Wanted Person of City of Malolos and for their unwavering commitment to serve justice to […]

  • Malakanyang sa publiko, maging maingat

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na maging vigilante at maingat  laban sa  monkeypox.     “Ang bawat isa ay pinapaalalahanang maging maingat at mapagmatyag sa sakit na monkeypox,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang Facebook post.     Ang pahayag na ito ni Cruz-Angeles ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) […]