House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers
- Published on August 11, 2021
- by @peoplesbalita
Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.
Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot sa Tagaytay City.
“Bibigyan din natin sila ng pabahay na puwede nilang ibigay sa kanilang mga pamilya,” ani Tolentino na nauna nang nagbigay kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ng isang house and lot sa Tagaytay City.
Nang ihayag ito ni Tolentino ay niyakap at hinalikan ni Marcial, natalo sa semifinals ng middleweight division, sa pisngi si Paalam.
Lubos naman ang pasasalamat ni Paalam, nabigo sa gold medal round ng flyweight category, sa POC chief.
“Malaking bagay po ito para sa akin at sa pamilya ko,” ani Paalam.
Nauna nang inihayag ni Tolentino ang pagbibigay ng POC kasama ang MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ng tig-500,000 sa mga Olympic non-medalists.
Ang mga tatanggap nito ay sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, boxer Irish Magno, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ando, golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan, sprinter Kristina Knott at swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie.
-
Mga ama, dapat na magbigay ng child support alinsunod sa batas-DSWD
INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departmento na maging handa na tulungan ang mga ina na naghahanap ng child support mula sa ama ng kanilang anak o mga anak. Sinabi ni Tulfo, alinsunod sa Article 195 ng Family Code, binigyang […]
-
DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity
NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong. Sa pamamagitan ng partnership ng […]
-
3 timbog sa sugal at shabu sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng shabu ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City. Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang Bignay Police Sub-Station (SS-7) ng impormasyon mula sa isang […]