• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’

Mistulang lutong ma­kaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

 

Ito ang naging pagti­ngin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi ng ABS-CBN na sinasabing nakahanda na ang nasabing dokumento bago pa matapos ang pagdinig ng komite.

 

Dahil dito, marapat lamang na talakayin ang natu­rang isyu sa plenaryo para sa pinal na desisyon.

 

“It was a clear case of railroading,” ayon kay Buhay partylist Rep. Lito Atienza na kumukuwestiyon sa legalidad ng nasabing report.

 

Ani Atienza, napaka-imposible na matapos sa loob lamang ng isang gabi ang 40-pahinang dokumento para i-summarize ang 12-araw na pagdinig at testimonya ng mga saksi bukod pa sa araw ng pagbubuod nito.

 

Nangangamba rin si Atienza na malalagay sa balag ng alanganin ang bansa kung ang mga kongresista ay kumikilos bilang “prosecutors, judge, jury at executioner.”

 

Sa botong 70-11 noong Hulyo 10 ay nabasura ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan inaprubahan ang rekomendasyon ng three-man TWG na sina Reps. Pablo John Garcia (Cebu City), Xavier Jesus Romualdo (Camiguin) at Stella Quimbo (Marikina), Quimbo.

 

Iginiit naman ni Rep. Lawrence Fortun (Agusan del Norte) na kailangang talakayin sa plenaryo ang resolusyong ginawa ng komite upang makalahok ang may 305 mambabatas sa pagtalakay at maipaliwanag ang ginawang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.

Other News
  • POC tinulungan na ang mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette

    Nagbigay na ng tulong pinansiyal ang Philippine Olympic Committee (POC) sa mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas at Mindanao.     Mayroong tig-P10,000 na tulong pinansiyal ang binigay sa 10 surfers at dalawang coach nila sa Siargao.     Kasama rin na nabigyan ng tulong si Olympic marathoner Mary Joy Tabala […]

  • HERD IMMUNITY, MAAABOT HANGGANG SEPTEMBER

    KUMPIYANSA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa September ay maaabot na ang “herd immunity” sa Maynila.   Ito ang pahayag ng alkalde ay pagkatapos makapagtala ng bagong record ang Manila LGUs  hinggil sa pagbabakuna sa loob lamang ng isang araw.   “We broke again our record of vaccines deployed and 95% of thet […]

  • NFL star Tom Brady muling maglalaro matapos ang 2 buwang magretiro

    INANUNSYO ni NFL star Tom Brady na ito ay muling maglalaro.     Ito ay dalawang buwan matapos ang anunsiyo nitong tuluyang pagreretiro.     Sa kanyang Instagram account ay sinabi nito na matapos ang pamamahinga ng dalawang buwan ay napagtanto niya na nasa football field ang kaniyang puso.     Kaya ito maglalaro sa […]