House leaders, governors suportado si Robredo
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWANG lider sa Kongreso at limang gobernador ang kamakailan ay naghayag ng kanilang suporta para sa kandidatura pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo.
Ang mga kaalyado na ni Robredo at nangakong ikakampanya siya ay sina House Deputy Speakers Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro 2nd District congressman) at Mujiv Hataman (Basilan congressman) at mga Gobernador na sina Ben Evardone (Eastern Samar), Edwin Ongchuan (Northern Samar), Eugenio “Bong” Lacson (Negros Occidental), Daniel Fernando (Bulacan); at dating Gobernador Alvaro Antonio (Cagayan).
Pinili ng pitong pinunong kalalakihan si Robredo, ang tanging babaeng kandidato pagka-Pangulo bilang karapat-dapat na mamuno sa higit sa 100 milyon na Pilipino sa loob ng anim na taon.
Para sa kanila, si Robredo ay isang matapang na lider, mabilis umaksyon, at handang magbigay ng ayuda anumang oras. Napatunayan na niya ito sa napakaraming proyekto ng kanyang Angat Buhay program sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP).
Hinikayat ni Hataman ang kanyang mga kapwa Muslim na iboto si Robredo dahil sa malalim niyang pang-unawa sa mga issue sa Mindanao.
“Naiintindihan niya tayo; naiintindihan niya ang ating kasaysayan at ang ating karanasan. At dahil dito, naiintindihan din niya ang mga isyung kaharap natin sa kasalukuyan, at ang mga solusyon dito,” sabi ni Hataman.
Sinabi ni Rodriguez, na pinuno rin ng Centrist Democratic Party (CDP), si Robredo ang “best choice for our country and our children”.
Inisa-isa naman ng mga gobernadora ang mga katangian ni Robredo na nagpapatunay na karapat-dapat siya maging Pangulo ng Pilipinas.
Sinabi ni Lacson si Robredo ay matalino, sinsero, matulungin, at mapagkakatiwalaan. Mahalaga naman para kay Fernando na napakaganda ng track record ni Robredo sa pagsisilbi sa taumbayan at higit sa lahat, wala siyang bahid ng korapsyon. Para kay Evardone, halos inendorso na ni Pangulong Duterte si Robredo dahil sa sinabi nito na dapat isang “decisive, compassionate lawyer” ang papalit sa kanya. Si Evardone ay kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Ongchuan na sang-ayon siya sa sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ang susunod na Pangulo ng bansa ay may malasakit, mabilis magdesisyon, at marunong kumilala ng tao.
-
212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng […]
-
NAKAKIKILIG ANG GINAWANG ‘SWEET PROPOSAL’: KLEA, KA-DATE ANG GF NA SI KATRICE SA ‘GMA THANKSGIVING GALA’
LOVE wins sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala 2023 para kay Klea Pineda. Nag-share ang Kapuso actress at StarStruck 6 Female Survivor ng video sa kanyang TikTok ng ginawa niyang sweet proposal sa girlfriend na si Katrice Kierulf para maging date niya ito sa GMA Thanksgiving Gala on July 22. […]
-
LeBron James at tennis star Osaka naglunsad ng sariling media company
NAGSAMA si Japanese tennis player Naomi Osaka at NBA star LeBron James para ilunsad ang bagong media company. Tinawag nila itong “Huma Kuma” o ibig sabihin ay “Flower Bear” na gagawa ng mga kuwento tungkol sa kultura pero mayroong malaking epekto sa lahat. Ayon kay four-times Grand Slam champion na si […]