• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house COVID-19 test, isusulong ng DOH

Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang “house-to-house swab testing” para sa COVID-19 sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para mas maging epektibo ang ginagawang testing ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay para malaman talaga ang tunay na istatus ng impeksiyon sa bansa kahit na “asymptomatic o symptomatic” ang mga kaso.“We are ramping up although experts are sa-ying we need to test more, and that is what we are trying to do,” ayon kay Vergeire.

 

 

Batid umano nila na imposible na i-test ang lahat ng Pilipino kaya kailangang ipagtupad ang Code strategy.  Nakapaloob dito ang “house-to-house”, paggamit ng rapid antigen kung kinakailangan at RT-PCR.

 

 

Sa kasalukuyan, nag­lalaro lamang sa pa­gitan ng 30,000-50,000 ang bilang ng indibidwal na isinasailalim sa tes-ting kada araw ngunit mas nais nila na itakda ito sa average na 50,000 kada araw.

 

 

Ginagamit na rin ngayon ang rapid anti­gen test kits na nai-de­ploy na sa mga lokal na pamahalan para isailalim sa testing ang mga taong natukoy na may expo­sure sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 o iyong may mga sintomas.

 

 

Nitong Abril 19, nakapagtala ng 19.5% positivity rate sa higit 37 libong indibidwal na isinalang sa swab test. Mas mababa ito sa P24.2% na naitala noong Abril 3 kaya kailangang malaman ang tunay na estado ng impeksyon sa bansa.

 

 

Nangangahulugan umano ito na kaya mataas ang positivity rate ay dahil sa kulang ang ginagawang testing kada araw.

 

 

Una ng sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na kailangang makapag-test ang DOH ng 90,000 indi­bidwal kada araw sa Metro Manila lamang.

Other News
  • Lolo tigbak sa mixer truck

    Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]

  • Red Hulk Is Unleashed In New ‘Captain America: Brave New World’ Trailer

    A new Captain America: Brave New World trailer has been released, teasing the next upcoming Marvel Cinematic Universe movie.   With more than 10 years in the franchise, Anthony Mackie’s Sam Wilson is finally getting his own solo MCU movie after accepting the shield from Steve Rogers (Chris Evans) at the end of Avengers: Endgame. […]

  • Nagulat din na nagkaroon ng ‘unfollow issue’: JAMES, nilinaw na happy at sila pa rin ni ISSA

    MALINAW na officially, sina James Reid at Issa Pressman pa rin.     At si James mismo ang sumagot sa tanong namin kung happy pa rin sila ni Issa.     Positibo ang sagot ni James at gets din niya agad na kung dahil daw ba do’n sa unfollow issue.     Kuwento ni James, […]