• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house na pagbabakuna sa seniors

Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon pa rin ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala siyang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng local government units (LGUs).

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lang pag-aalangan ang nakikitang dahilan sa mga matatanda, kung ’di sa takot na lumabas dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19, ’yung iba ay takot magbiyahe o sumakay, at ang iba naman ay bedridden.

 

 

Nasa 5 porsyento umano mula sa 8-milyong senior citizens ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sila ay kabilang sa se­cond priority o A-1 group, kasunod ng medical frontliners sa COVID-19 vaccination program, dahil sa pagiging ‘high risk’ na matamaan ng malalang sintomas ng nasabing virus.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • MAINE, may ni-reveal sa mga co-hosts na sina JOSE, WALLY at PAOLO; nagpasalamat sila ni ALDEN sa ‘AlDub Nation’

    MAY mga revelations si phenomenal star Maine Mendoza sa fourth episode ng Celestified vlog ni Celeste Tuviera, hairdresser ni Maine.      This time, naikuwento ni Maine ang samahan nila ngayong pandemic ng mga co-hosts niya sa Eat Bulaga!, na sa kabila ng mga pinagdaraanan natin ngayon ay patuloy silang nagpapasaya sa mga noontime viewers […]

  • Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

    Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]

  • LTFRB: Walang katotohanan na magkakaroon ng fare hike dahil sa PUVMP

    SINABI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang katotohanan ang mga alegasyon ng grupong Piston at Manilbela na magakakaron ng pagtaas ng pamasahe dahil sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan. Binigyan diin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na walang katotohanan na tataas ng hanggang P25 pesos […]