‘House-to-house’ visits vs COVID-19 case ipatutupad
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng magpatupad ang gobyerno ng “house to house” visits kung kinakailangan para madala agad sa isolation facilities ang mga COVID-19 patients.
Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesman Retired Maj. Gen. Restituto Padilla na ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay mahigpit na ipapatupad ng gobyerno ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR) strategy.
Kabilang din umano dito ang tinatawag na surveillance at pagpapaigting o pag-scan sa mga komunidad kung saan may tumataas na kaso nang sa ganun ay malaman kung sino ang nagdadala ng sakit para kaagad madala sa isolation facilities at magamot.
Ito ay dahil mayroon umanong mga indibidwal na nagtataglay ng virus pero walang sintomas kaya sila ang dapat na madala sa isolation facilities.
Ang deklarasyon ng Malakanyang sa ECQ ay para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pinoy bets may 3 golds sa Para Games
KUMANA ang Team Philippines ng tatlong gintong medalya mula sa swimming at athletics sa ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia. Pinamunuan nina Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan at Roland Sabido ang matikas na kamada ng Pinoy squad kahapon matapos mamayagpag sa swimming competition. Hataw si Gawilan sa […]
-
Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila
GUMAWA ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila. Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod. Iprinoklama rin ang bagong Bise […]
-
Ads July 22, 2020